Chapter 20

238 12 0
                                    

Chapter 20

Third Person's POV

Maagang nagising si Althena kahit matagal siyang nakatulog kagabi, nangungulit pa kasi sina Mildred at Alphie tungkol sa naganap sa kusina. Hindi niya napapatahimik ang dalawa dahil grabe kung maka-interview.

Matapos niyang kumain ng agahan ay naghanda na siya papunta sa C.C.C. Gusto niya sanang sumabay kay Boss ngunit nauna na raw ito. Wala na siyang choice kundi gamitin ang kanyang lumang kotse. Nasa garahe kasi ni Cray ang kanyang lumang kotse.

Nang makarating na siya sa C.C.C. ay ipinarada niya ang kanyang sasakyan. Bumaba siya dala ang kanyang bag at tatawid na para pumasok sa building, ngunit may magarang sasakyan ang humarurot sa kanyang harapan na muntik na siyang masagasaan nito.

Inis niyang sinundan ng tingin ang dumaang kotse. "Shems, muntik na ako 'don. Hindi niya ba ako nakikita? Grabe naman siyang magmaneho." saka hinawakan ang dibdib dahil sa pagkagulat.

Napa-iling siyang nagpatuloy sa pagpasok sa building. Sana hindi na ito maulit pa.

Nagtungo na siya sa kanyang desk at inilapag ang kanyang gamit, nang lumapit sa kanya si Joan.

"Althena, may bago tayong employee. Charmane Allison ang pangalan."

Para siyang naging alerto ng marinig ang pangalan ni Allison. 'Scrapper' ang salitang lumabas sa kanyang isipan. Bakit pa kasi niya nakalimutan na ngayon pala magsisimulang magtrabaho ang Scrapper na 'yon. "Kung pwede lang sana na ikaw na ang magtour sa kanya sa buong building. May ina-asikaso pa kasi ako. Kung pwede lang sana at kung hindi ka busy." sabi ni Joan at nag-puppy eyes.

"Eh, may gagawin din kasi ako." pagsisinungaling niya ngunit sa totoo lang ay wala naman siyang gagawin sa araw na ito.

"Please, Althena. Medyo hectic pa kasi ang time ko ngayon. May marami pa akong gagawin na reports. Please Althena." pagmamakaawa niya.

Napa-isip si Althena kung tatanggapin ba niya ang paki-usap nito. Gusto niya ang magtour sa buong building kung hindi si Scrapper ang kanyang makakasama. Pero si Scrapper 'yon, ang kanyang mortal enemy. Hinding-hindi niya pa rin nakakalimutan ang ginawa nito.

"Please Althena, ikaw nalang ang pag-asa ko"

"Sina Angel nalang kaya o 'yong mga kasamahan mo sa department." hindi pa rin siya makakapag-desisyon. Ayaw niya talagang makasama ang Scapper na 'yon. Baka magkakaroon lang sila ng world war part 2.

"Busy din sila, kasama ko kasi sila sa paggawa ng report, at 'yong iba naman ay may ina-asikaso. Deadline na kasi ngayon." sabi ni Joan at hindi maipinta ang kanyang mukha. " Wala na akong matatakbuhan kundi ikaw nalang. Please Althena."

Matagal siyang nag-isip at nakapagdesisyon. Bahala na si Batman, isali mo pa si Superman. Kung magkakaroon ng world war sa kanila, handa naman siyang lumaban. "Sige, ako na ang bahala sa Scr-, este sa Allison na 'yon."

Nagulat siya ng niyakap siya ni Joan. "Maaasahan ka talaga Althena."

Tinapik lang niya ito sa likod. "Basta ayusin niyo ang report. Galingan niyo." humiwalay na si Joan sa pagkakayakap.

"Oo naman, kaya na namin 'yon."

Hindi alam ni Althena kung tama ba ang kanyang ginawa. Makakasama niya si Scrapper tapos ito-tour niya pa sa buong building. Shems, bahala na kung ano ang mangyayari. Basta susubukan niya na maging mabait at kung aawayin siya nito, hindi na siya magdadalawang isip na lumaban.

The Cold Eyed KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon