Chapter 6

225 16 0
                                    

Chapter 6

Althena's POV

Tinignan ko ang oras sa aking relo, 5pm na pala. Niligpit ko ang aking mga gamit dahil pupunta pa ako sa mall. Nag-text saakin si Mich kanina na susunduin ko raw si Aldrin sa mall. Napag-isipan kasi nilang dumaan sa mall.

"Althena, uuwi kana?" hindi ko namalayan na nandito pala si Justin.

"Oo, may mahalaga pa kasi akong pupuntahan"

"ganun ba?" para naman siyang nadismaya

"Bakit?" nilingon ko siya "may kailangan ka ba?"

"Ito-tour sana kita sa iba't-ibang department dito sa building" Oo nga pala, balak ko sanang magpasama kay Justin na libutin ang buong building.

"Pasensya na Justin, baka sa susunod nalang. Nagmamadali kasi ako" kailangan ko na talagang umalis, matagal ng hindi ko nakikita at nakakasama ang anak ko.

"No problem. Baka importante talaga ang lakad mo. Magsabi ka lang saakin kung kailan mo gustong maglibot" sabi niya saka umalis. Siguro sa ibang araw nalang.

"Salamat Justin" lumingon siya at ngumiti.

Gusto ko rin makilala ang iba pang empliyado dito. Si Justin lang kasi ang kakilala ko dito. Pero ano ba ang trabaho ni Justin dito? Sabagay malalaman ko rin yan.

Bigla naman bumukas ang pintong kaharap ko. Shems si Boss lang pala. Ang aga niya umuwi ngayon, baka may mahalaga ring lakad.

"Bye Boss" paalam ko sakanya. Lumakad siya papalapit saakin. "Boss, may kailangan kayo?"

"Nothing, I just want to remind you about the deal" aalis na sana siya kaso pinigilan ko. May itatanong lang ako.

"Teka Boss, may itatanong sana ako" nakakahiya mang tanungin pero sige nalang.

"Aangat po ba ang sweldo ko kapag papayag akong maging personal secretary niyo? Kasi secretarya niyo po ako at the same time yaya. Kung tutuusin, doble po ang role ko kaya doble rin ang sahod ko" tinignan niya ako.

"Don't worry, your wages will also be doubled" dodoble rin pala, akala ko hindi.

"May I go now?" tatalikod na sana siya pero pinigilan ko ulit. May itatanong ulit ako.

"Boss, wait" hinawakan ko ang kanyang braso.

"What?" shems, parang naiinis na siya saakin. Nagkasalubong na kasi ang makakapal niyang kilay.

"Ahm, boss. stay-in or stay-out?"

"What do you mean?"

"Stay-in if doon ako matutulog sa bahay niyo or Stay-out if uuwi ako sa bahay namin kapag natapos ko na ang aking trabaho" gusto ko lang malaman dahil baka stay-in ako, tapos mawalan na ako ng time para sa anak ko.

"I prefer Stay-in. Any questions? Because I'm in a hurry." halata sa boses niya na siya ay naiinis. Siguro nagmamadali talaga siya. Pero bakit ako, nagmamadali din naman ako ah.

"Nothing na Boss, sige na po. Babye" ngumiti ako sa kanya at binitawan ang kanyang braso. Siguro kanina lang siya nakukulitan saakin.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Boss ay nagmamadali akong lumabas sa building at sumakay sa aking lumang kotse.

The Cold Eyed KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon