Chapter 19

259 15 5
                                    

Chapter 19

Matapos ang mahaba-habang byahe ay nakarating na rin kami sa palasyong bahay ni boss. Pagbukas ng pinto ay agad kaming sinalubong ni Alphie.

"Infairness sayo, ang ganda mo sa dress na 'yan. Bagay na bagay sayo." bulong nito habang naglalakad kami papasok.

Si boss naman ay dumiretso na sa kanyang opisina dala-dala ang suitcase.

"Wala na kasing ibang damit." ngunit sa totoo lang, ito ang pinasuot ni boss sa akin.

Hindi pa pala ako nakapagpalit ng damit dahil totoo talagang uuwi na kami sa palasyo ni boss. Hindi na kami dumaan sa hacienda ng mga Lopez.

"Tapos mukhang mamahalin pa ang mga alahas." sabi ni Alphie at tinignan ang kuwintas sa aking aking leeg.

Hindi ko na rin pala natanggal ang mga alahas sa aking katawan.

"Pinahiram lang 'to" sabi ko habang naglalakad na kami papasok sa silid namin.

Nang nakapasok na kami ay agad akong napahiga sa aking kama dahil sa pagod. Pagod na talaga ako. Habang si Alphie ay naka-upo sa kanyang kama at nakatingin sa akin.

"Magkwento ka tungkol sa naging business trip niyo ni boss." napalingon ako sa kanya. "Ano 'yong feeling na kasama mo si boss?" sabi niya na parang kinikilig.

"Basta."

"Eihhhhh, ikwento mo na kasi, ano ang mga nangyari sa trip niyo ni boss."

Napa-isip ako sa mga nangyari sa business trip ni boss. Simula sa aking panaginip, hanggang sa aking naging misyon. Pero syempre hindi ko 'yon isasali sa kwento.

"Ganito kasi 'yon...." at ikinuwento ko kay Alphie ang mga nangyari, maliban lang sa extra mission ko.

Habang nagkukwento ako ay lumapit si Alphie sa akin saka hinampas ang aking braso. Hindi naman masakit dahil parang hampas lang 'yon ng teenager na kinikilig.

"Natatawa ako sa Cardo na part at 'yong hinahabol kayo ng aso" sabi ni Alphie habang natatawa.

"Kung nakita mo lang ang mukha ni boss, grabe, napaka-epic!" Natatawa talaga ako sa mukha ni Boss.

"Pero, 'yong sa Cardo." sabay tusok sa aking tagiliran. "Ang galing mo dun. Alyanang-alyana ang peg. May 'mahal' pang nalalaman."

Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking mga palad dahil sa hiya. Pakiramdam ko ay namumula na ang aking mukha.

"Tignan mo, namumula ka na." sabi niya at pinilit na tanggalin ang aking kamay na nakatakip sa aking mukha.

Sumuko na ako at nakangusong humarap sa kanya.

"Eh nakakahiya kaya"

"Buti ka nga. Nakaka-usap mo ng ganun si Boss. Kami nga dito ay takot na takot sa kanya."

Sabagay, nakakatakot ang aura ni boss. Poker face pero sapat na ang seryosong mukhang 'yon para katakutan. He has an aura that looks like a furious lion that is ready to devour its prey. Kalmado lang siya at hindi mo mahuhulaan kung ano ang laman ng isipan niya.

"I admit myself, natatakot din ako kay boss." hindi ko naman maiwasang makaramdam ng takot sa kaniya.

Tumingin sa akin si Alphie at ngumiti. "Okay na 'yon. Sapat na ang maganda niyang pagtrato sa amin."

The Cold Eyed KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon