Chapter 31
___________
Kinabukasan ay pumasok ako sa opisina. Galit pa rin ako kay Cray dahil sa mga masasakit na salitang binitawan niya kahapon. Ano naman kung may anak na ako? Wala siyang pakialam.
Kasalukuyan akong gumagawa ng resignition letter. Wala na akong gagawin pa sa kompanyang ito kaya mas mabuting umalis na ako at maghanap ng bagong trabaho. Sabagay nasabi ko na kay Tita na hindi ko kaya ang misyong 'to at aalis na rin ako sa kaniyang ahensiya. Sa wakas ay magiging tahimik na ang buhay namin ng anak ko.
Wala si Boss ngayon dahil may meeting siya sa kaniyang isang kliyente at mas mabuti nga 'yon. Pumasok na ako sa kaniyang opisina at maingat na nilagay ang resignation letter sa kaniyang mesa. Aalis na ako pagkatapos nito.
Pagkatapos kong ilapag ang aking letter ay inilibot ko ang aking paningin sa kaniyang madilim na opisina. Wala paring pinagbago.
Pinakawalan ko muna ang isang mahabang buntong hininga bago umalis. Lalabas na ako at pagbukas ko ng pinto ay nakasalubong ko si Joan na may dala-dalang malalaki at makakapal na folders.
"Si boss?" tanong niya
"May meeting sa kaniyang kliyente." Sabi ko.
"Ipapasok ko muna itong mga folders." Tukoy niya sa mga hawak na folders.
Tumango lang ako at bumalik sa aking desk. Sinimulan ko na ang pagliligpit ng mga gamit sa aking mesa. May dala akong malaking kahon at doon ko nilagay ang aking mga gamit.
Lumabas na si Joan mula sa opisina ni boss at nakita ko siyang huminto sa harap ng aking desk.
"Bakit ka nagliligpit? Aalis ka na ba?" tanong niya habang ang mga braso ay nakapatong sa ibabaw ng aking desk.
"Magreresign na ako." Sabi ko habang nagliligpit ng mga gamit.
"Ha?! Bakit?!" mahahalata sa kaniyang boses ang pagkabigla.
Huminto muna ako sa pagliligpit at nakangiting humarap kay Joan. "Siguro hindi talaga para sa akin ang trabahong ito."
"At saan ka pupunta?"
"Siguro maghahanap lang ako ng bagong trabaho."
Alam kong nagtataka siya sa aking sinabi ngunit hindi ko lang pinansin 'yun. Buti nalang at hindi na siya nagtanong pa at tahimik lang na nag-aabang sa akin.
Pagkatapos kong ligpitin ang aking mga gamit ay binitbit ko na ang isang malaking box. Hindi pa pala umalis si Joan sa aking harapan at sumunod siya sa akin ng nagsimula na akong maglakad.
"Saan ka pupunta Joan?" tanong ko sa kaniya dahil napapansin kong nakasunod siya sa akin.
"Sasamahan kita. Ihahatid kita sa kotse mo." Sabi niya.
"Salamat." Sagot ko.
Tahimik lang kaming sumakay ng elevator pababa ng building, ngunit nagulat ako ng bigla siyang nagtanong.
"May nagawa ba si boss sayo?" tanong niya.
Mahigpit kong niyakap ang box na aking hawak at agad napailing. "Wala siyang ginawa sa akin."
"Magsabi ka ng totoo. Alam kong hindi ka basta-bastang aalis ng walang dahilan. Para kasing may nangyaring hindi maganda sa pagitan ninyo ni boss."
Napayuko ako at bigla kong naalala ang mga sinabi ni Cray sa akin.
"May sinabi lang siya sa akin na hindi maganda, kaya medyo magkagalit kami." Sabi ko. "Pero wala itong kinalaman sa pag-alis ko. May iba akong dahilan para dun."
BINABASA MO ANG
The Cold Eyed Killer
RomanceSiya si Althena Dawn Lim, ang babaeng may pangarap sa buhay. Ngunit ito ay nasira dahil sa hindi inaasahang pangyayari. _____'''_____ Iniwan siya ng sariling ama kaya kinupkop siya ng kanyang Tita na may legal na...