HIGHEST RANK: #1 in Survival
PLEASE TAKE NOTE THAT THIS STORY IS CURRENTLY UNDER MAJOR REVISION.
-----
Azie and her friends are just living their normal life until a dilemma has just began. Everything becomes a mess as virus X quickly spread through...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
***
DIVI MARIE
MALAKAS ang kabog ng aking puso sa mga oras na tinatahak namin ang daan papuntang west wing. Ang sabi ng plastik kong kasama ay nandoon daw naka-locate si Replika.
I don't know kung nagbalik loob na ba talaga siya saamin or she's bitching again. Kapag nagtraydor pa siya ulit, nako! Sisiguraduhin kong walang maski isang hair strand ang matitira sa head niya.
Sa pangunguna ni Nika, narating namin ang west wing nang walang kahirap-hirap. As in very basic. Wala kaming nakasalubong na mga kontrabida on our way here.
And I think this is my very lucky day! OUR lucky day. Kasi naman, walang guards ang nakabantay sa bukana ng west wing.
"I thought pa naman mapapalaban ako," I disappointingly put my gun to my holster as I roamed my gaze all over the hallway.
Taas noo akong naglakad papunta sa doble door but I forgot na may epal pala akong kasama.
"Stop!" She pulled my arm harshly nang muntik ko nang mahawakan ang knob ng pinto.
"What's your problem? Stop bitching around, okay?" Irritated, I rolled my eyes at her. "Makahila, eh!"
"Calm your goddamn attitude! Hindi ka ba nagtataka? Bakit wala tayong nakakasalubong na mga kasapi ng organisasyon, ha? Palibhasa puro ganda lang alam mo."
"Natural! Dahil maganda ako. And calm my attitude? Are you sick? Pwede namang magpahinto ng hindi nanghihila, diba?"
Nagkibit balita lang siya at dahan-dahang kinasa ang hawak niyang shotgun. I mentally rolled my eyes again. Bakit ba pabagal-bagal siya?
I walk again towards the double door and open it. "You know what? Sa sobrang kupad mo, baka maunaha--"
"At last you're here!"
That voice. That demonic voice send chills all over my body. Kahit hindi ko pa man siya lingunin, alam kong demonyo ang nasa loob ng west wing.
"The weakling and the traitor. What a great combination!" The mad scientist slowly clapped his hands as he looked at the two of us.
"Alvin Devaux." Bakas ang diin sa pagsasalita ni Nika nang banggitin niya ang pangalan ng doktor. Hindi ko alam may galit pala siya sa taong, 'to. Then why did she joined his rotten organization?
"Alam niyo bang kanina ko pa kayo hinihintay? And oh! May kasama pala ako." He motioned his hands to a standing object covered with white cloth.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang puting tela at bumungad sa amin ang isang slender na likod ng babae. Her long brown hair we're braided. Her whole body was covered with a strong fighting gear. Ito na ba siya?