A/N: Pasensya na po kung natagalan ang update. Sabog po ako nitong mga nakaraan dahil sa module haha. Enjoy reading, babies!
***
KIRBY
"Akala niyo makakaalis kayo?"
Saktong paglingon namin nakita namin ang mukha ni Nika na nakangisi. May hawak siyang baril na nakatutok sa direksyon namin, habang ang isang kasama niya ang may hawak ng flashlight.
"May plano pala kayong hanapin ang tatlo, tapos hindi niyo kami sinabihan? I thought we're friends, tapos ganito? That's very wrong", umakto pa siyang parang nasasaktan. Pero mabilis ang iyon at tinutok ukit saamin ang baril.
Tumingin ako sa mga kasama ko, nakatingin din sila saakin habang magkasalubong ang kilay. Parang alam ko na ang ibigsabihin ng mga tingin na iyon "Ano? Hindi ko sinabi sa kaniya!" Sabi ko.
"Hahaha, napakatanga niyo naman. Until now hindi niyo parin alam? There's a listening device on your collar, dear." Malambing na sabi ni Nika habang nakatingin saakin.
Agad ko namang kinapa ang collar ko, may maliit na bilog nga akong nahawakan. Kasing liit lang ito ng hikaw kaya hindi mo agad iyon mapapansin. Kataka-taka kung paano nila nailagay ang bagay na ito sa uniform ko.
Naalala ko na! Si Molly ang naghatid ng uniform ko kanina sa kwarto, ibigsabihin ba nito...
"Surprised, dear? Oh well, don't underestimate our skills. We're the fucking Black Org, so expect the unexpected." She said as she rolled her eyes.
Napakadaldal niya sa totoo lang, kaya naman habang nakatingin sa kaniyang mga mata, nag-isip ako ng llano para maagaw ang baril mula sa kaniya.
Naghintay ako ng ilang segundo bago ako tumakbo papalapit para agawin ang baril niya.
Bakas man sa kaniya ang gulat, naiiwas niya parin ang kaniya baril at sinipa ang tuhod para matumba ako sa lupa. Inapakan ang kamay ko ng kasama niya at bigla naman itong umupo sa tiyan ko.
Tumingin ako sa dalawa kong kasama para humingi sana ng tulong pero parehas na silang nakataas ang mga kamay. May ibang kasama pa pala si Nika.
"Not so fast, dear. I told you, we're Black Org", kinuha niya ang isang stiletto knife sa tagiliran at tinapat sa pisnge ko. "By the way, I'm Blood."
Dahan-dahan niyang sinugatan ang pisnge ko hanggang sa baba. Fuck! Ang pogi kong mukha!
"Dalhin 'yan sa La Ruche!" Sigaw niya at naglakad paalis.
Naaninag ko naman ang mga kasama niya, pwersahan nito akong itinayo, wala naman akong magawa kundi sumunod.
Pinasakay nila kaming tatlomsa likod ng truck. Ito ang truck na ginagamit ng Centro kapag kukuha ng pagkain sa siyudad. Sinusuyod ng mga sargent ang siyudad para maghanap ng pabrikang pwede kuhaan ng pagkain, sa kabutihang palad, nakakapaguwi naman sila ng sapat.
BINABASA MO ANG
DEAD LINE
HorrorHIGHEST RANK: #1 in Survival PLEASE TAKE NOTE THAT THIS STORY IS CURRENTLY UNDER MAJOR REVISION. ----- Azie and her friends are just living their normal life until a dilemma has just began. Everything becomes a mess as virus X quickly spread through...