***
AZIE LOKAI
"Run!!"Pagkasigaw ko ng gano'n, kaniya kaniya kaming takbuhan. Ang iba ay nahiwalay na saamin kasi pati kami ay nagkakagulo na din. Hindi ko hilig ang pagtakbo at lalong hindi ako mabilis tumakbo, pero iba sa sitwasyon na 'to. Tulad ng napagplanuhan, dumiretso kami sa Sports Club. Ngunit magulo din pala doon dahil marami din ang mga nilalang doon.
Unang pumasok si Azure at sinaksak sa ulo ang isa sa mga nilalang at bumagsak naman ito. Sumunod din sa kaniya ang iba. Binitawan ko ang hawak kong walis at pinulot ang nakakalat na baseball bat. Hinahampas ko ang lahat ng lumalapit saakin. Tumatalsik naman ang laway nila kapag natatamaan sila sa mukha, sumasama na din ang dugo na siyang nagpadumi sa mga suot namin. Pero, aarte pa ba kami? Kaligtasan namin ang nakasugal dito.
Dinambahan ako ng isang nilalang at dahil sa gulat hindi ako agad nakapag-react. Nang kakagatin na niya sana ako ay mabilis kong hinarang ang bat sa bibig niya.
' Sht naman oh!'
Kaunti nalang ay bibigay na ako. Mas malaki ito kumapara sakin at lalaki pa, idagdag mo pa ang bigat nito at lakas. Taena naman.
Akala ko katapusan ko na ng may humampas dito kaya naman agad itong nawala sa pagkakapatong sakin. Nihalad ng isang lalaki ang kamay niya at tinanggap ko naman ito para makatayo. Siya siguro ang nagligtas sakin.
"Salamat." Pagpapasalamat ko dito.
"Welcome." Sagot niya at inabot sakin ang isang kalaykay. Galing na siguro sila sa Agricultural Room. Tinanggap ko naman ang binigay niya.
"Gamitin mo yan. Pagkatapos nito sumama kayo samin, may alam akong daan para makaalis dito ng mabilis." Sambit niya sakin. Tinanguan ko nalang ito at nakipaglaban ulit. Habang tumatagal mas rumarami ang mga kalaban at mas umuonti naman kami. Ang kaninang 19 ay nabawasan ng isa kasi hinila kanina si Audrey, ngunit ngayon trese nalang kaming tira.
"Kelangan nating makalabas dito. Hindi natin sila kaya!" Sigaw ni Edson.
"Boy, basagin niyo yung salamin ng bintana!" Sigaw ni Kirby sa mga lalaki. Agad naman nilang binasag iyon. Umatras kami papunta doon, ang iba ay tumalon na. Hanggang sa anim nalang kaming natira dito sa loob. Si Divi, si Kirby, si Azure, si Expe, yung lalaki kanina at ako. Tatlo lang ang bintana at iisa lang ang kasya doon. Tumalon na sila Azure at Divi, pati narin yung lalaki kanina.
"Azie, tumalon kana!" Sigaw sakin ni Kirby. Nakapuwesto na kasi siya sa kabilang bintana at ganoon din si Expe. Papalapit na samin ang mga nilalang at ang bibilis ng kilos nila. Kaya wala akong choice kundi ang tumalon na din. Sabay kaming tatlo tumalon at parang naging slow motion ang lahat. Pag lingon ko kay Expe ay nahila siya ng mga nilalang.
BINABASA MO ANG
DEAD LINE
TerrorHIGHEST RANK: #1 in Survival PLEASE TAKE NOTE THAT THIS STORY IS CURRENTLY UNDER MAJOR REVISION. ----- Azie and her friends are just living their normal life until a dilemma has just began. Everything becomes a mess as virus X quickly spread through...