A/N: Good day everyone! As promised, here's the second update for today yiee. Enjoy reading babies! Muahh.
Dedicated to: Missjustadreamer MissRARM
***DIVI MARIE
Tapos na akong kumain ng mga nakita kong berries, ay andito parin ako sa may bukal. So, now what? Ano ang susunod kong gagawin?
Kinapa ko ang bulsa ng romper ko and I can feel my handkerchief there. Kinuha ko ito at nilagay ang mga natitira kong berries. Just a thought na hindi na ako makahanap ng makakain dito. I can't hunt naman kasi, wala akong weapon like duh? I can fish but I can't build fire and besides wala akong kutsilyo para pantulis ng panghuli ko ng fish.
After putting all the berries in my panyo, tinali ko na ito at kumuha ako ng patay na sanga. Naglakad lakad ako ulit, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta, dapat makahanap ako ng pagkain as soon as possible.
Sana din makasalubong ko si Kirby, hindi ko kaya kung may mangyari man saakin. At least with him, kahit napakapanget niya, I can say na andiyan siya to protect me. After all naman kasi, I'm a damsel in distress.. A beautiful damsel.
Naglakad lakad pa ako hanggang sa may nakita akong daan. I can say na daan ito papunta kung saan kasi walang mga grass. Diba gano'n naman talaga 'yon? Once ang isang particular area palaging natatakpan, magc-create siya ng daan. Sinundan ko lang iyon, malay ko ba baka papunta to sa gingerbread house.
While walking, napansin ko ang natumbang body ng puno. I think matagal na itong nakatumba. Kasi naman yung ibang part is butas butas na. Lumapit ako dito dahil alam kong may pagkain dito- mushrooms. At hindi nga ako nagkamali dahil andami ngang mushrooms, with different sizes. Kumuha ulit ako at nilagay sa panyo ko bago ako mag patuloy.
After walking for how many minutes or I think hours? Tirik na tirik na ang araw at napakasakit na sa balat, uhaw na uhaw na din ako. I need some water, gosh! I don't know kung nagha-hallucinate na ba ako pero may nakita akong wooden house. I thought gingerbread house ang makikita ko dito sa dulo, but no. It's a wooden house, but not your typical bahay kubo. Medyo may kalakihan ang bahay at may second floor. The windows has glass sliders, even the door is also sliding and made of glass. Napapalibutan din ito ng mga halaman at mga makukulay na mga bulaklak!
Wala na akong hinintay pa, agad na akong pumanhik sa bahay. Kumatok ako ng ilang beses pero walang sumasagot. Pinihit ko ang door knob and it's not locked! Kaya naman wala na akong sinayang na oras at pumasok na ako sa loob.
"Tao po? Anybody home?" Pero wala man lang akong narinig na sagot, ni paghinga wala. Naglakad lakad pa ako sa loob pero wala talaga akong nakitang tao. Napakaganda ng loob ng bahay, ang mga furnitures sa loob ay gawa din sa kahoy. Napaka-chill ng ambiance ng lugar na ito. Hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa kusina. I check the pantry if may mga pagkain ba at meron nga! Maybe i will cook my mushrooms nalang. Nagugutom din naman kasi ako..
BINABASA MO ANG
DEAD LINE
HorrorHIGHEST RANK: #1 in Survival PLEASE TAKE NOTE THAT THIS STORY IS CURRENTLY UNDER MAJOR REVISION. ----- Azie and her friends are just living their normal life until a dilemma has just began. Everything becomes a mess as virus X quickly spread through...