02- The Outbreak

1K 49 2
                                    

***

AZIE LOKAI

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AZIE LOKAI

What the fuck is happening?!?

"Kyaaaaahhh!?!"

Natauhan lang ako sa tili ni Divi. Lahat ng nasa loob ng room ay nagkakagulo, kaniya kaniyang sigawan ang mga kaklase ko. Dahil na rin siguro sa pagkataranta ko ay sinira ko ang jalousie na nasa bintana since our designated seats are at the back near the window. Hindi ko alam paano nangyari yun at madalian ko lang nakuha ang salamin. Saktong may papalapit sa amin at agad kong hinampas dito ang hawak kong salamin. Nabasag ito at tingin ko hindi na buhay yon. Hindi na nagalaw eh.

"Azie, si Divi!" Tawag ni Azure sakin. Agad kong nilapitan si Divi na nakaupo sa sulok na nahihirapang huminga at kinalkal ang bag niya. Hinanap ko ang inhaler at ng makita ko na agad ko itong ibinigay sa kaniya. Umaatake ang hika niya kapag nagugulat, nasobrahan sa iyak at pag nasobrahan sa tawa.

Nang maging okay siya ay agad ko siyang tinayo. Kahit na gulong-gulo pa ang utak ko, pinulot ako ang isang nabasag na salamin at ang walis tambo sa divan. At since nasa bandang likod ako, ay malapit ako sa teacher's table. I know this is wrong, pinapakialaman ko ang drawer ng teacher ko but in situations like this, I think di na importante yon. Kinuha ko ang gunting, masking tape, staples at stapler. Nakita ko si Azure na binabato ng mga bunot ang mga aggressive people. Hindi pa namin matukoy kung ano ba talaga ang mga ito, ang mahalaga sa ngayon ay dapat kaming mabuhay. Kinuha ko ang basag na salamin at ang walis tambo. Dinikit ko sa dulo ng walis ang salamin gamit ang tape. Sinigurado ko talagang hindi siya madaling matanggal. Buong lakas kong sinira ang maliit na gunting at nahati naman ito sa dalawa. Binigay ko ito kay Divi at Azure dahil matulis ang dulo nito.

Muntik ng makagat sa paa si Azure, buti nalang at sinaksak ni Expe ang ulo nito gamit ang bakal na elesi ng electric fan. Kahit na hindi pa namin alam kung ano ba talaga ang nangyayari, kaniya kaniya na kaming diskarte kung paano namin protektahan ang mga sarili namin ngayon.

"Salamat, Expe." Azure said. Tinanguan naman ito ni Expe. Kung pagmamasdan mo ang kabuohan ng room namin ay napakagulo talaga. Ang mga upuan na kaninang nakahanay ng maayos ay sobrang gulo na, sira sira na din ang iba. Ang makintab na tiles ng sahig ay may dugo ng nakakalat. Hindi mo na masasabi kung kaninong dugo yon sa sobrang gulo sa loob. Lahat lumalaban kahit ayaw nilang makasakit. Sa ngayon kasi wala na kaming ibang pagpipilian kundi ang iligtas ang mga sarili namin. Nang maubos namin ang mga halimaw na nakapasok ay saka naman pumayapa ang paligid, tanging mga hingal na lang ng bawat isa ang maririnig dulot na rin ng pagod sa pakikibaka.

"Kailangan nating lumabas. Delikado pag nanatili tayo dito." Sabi ko sa kanila.

"Nababaliw kana ba? Gusto mong lumabas tayo kung saan mas marami ang mga halimaw doon? Kung magpapakamatay ka, wag mo kaming isama." Sagot ni Nika, isa sa mga kaklase ko. May point siya pero hindi talaga kami puwede manatili dito.

DEAD LINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon