A/N: As promised, dahil sa matagal na hindi pag-update, I will post 3 chapters for today yiee. Enjoy reading everyone! Labyu!
***
KIRBY
"Uy, sorry na kasi"
Hindi ko siya pinansin.
"Uy,Kirby! Sorry na nga eh"
Bahala ka jan.
Patuloy parin ang paglalakad ko habang nakasunod siya saakin. Bitbit ko ang hinubad kong damit na punong puno ng mangga. Basa na rin naman,eh.
Napatigil ako sa paglalakad dahil hinila niya ang kamay ko. Tinignan ko naman siya ng salubong ang kilay.
"Sorry na please" pagpapa-cute niya saakin.
How unlucky she is, hindi tumatalab saakin 'yon.
Tinalikuran ko siya at pinagpatuloy ang paglalakad pabalik kay Uncle.
Maya maya pa ay hindi ko na naririnig ang boses niya.
Yan, mabuti yan dahil nakakainis siya. Kung hinawakan niya ng maayos 'yun, di ko hahabulin ng parang tanga ang sapatos namin. Takte siya!
Napatigil ako ulit sa paglalakad ng maramdaman ko ang mga bisig niya sa katawan ko. Laking gulat ko nalang dahil sa ginawa niya. Pero kahit gano'n.. hindi ko parin mapigilang ngumiti.
"Bati na tayo" Dividiv
Bumuntong hininga muna ako bago ko siya sinagot.
"Iyak ka muna" asar ko sa kaniya.
"Ano? Ayoko nga!" Napabitaw siya sa pagyakap saakin.
"Ayaw mo? Edi wag" saka ko siya tinalikuran. Pero naramdaman ko ulit ang pagyakap niya mula sa likod.
"Bahala ka! Hindi ako bibitaw hanggat hindi tayo bati" at mas lalong hinigpitan ang pagyakap.
Napangisi naman ako ng malupet dahil sa sinabi niya.
"Gusto mo lang hawakan abs ko eh" hindi ko napigilang usal.
Nabigla naman siya sa sinabi ko at saka ako tinulak.
"Ano bang pinagsasabi mo? Bahala ka nga dyan!!" Sabi niya bago naunang naglakad saakin.
Tsk, tsk, talaga naman oh. Pikon talaga siya.
Nauna siyang makarating kay Uncle habang ako naman ay nakasunod lamang. Hindi parin mawala ang pagngiti ko na dahilan ng kinainis ni Dividiv.
"Buti naman at nakabalik pa kayo. Akala ko, ako lang mag isa ang kakain nito" turo niya sa tatlong isda na iniihaw.
BINABASA MO ANG
DEAD LINE
TerrorHIGHEST RANK: #1 in Survival PLEASE TAKE NOTE THAT THIS STORY IS CURRENTLY UNDER MAJOR REVISION. ----- Azie and her friends are just living their normal life until a dilemma has just began. Everything becomes a mess as virus X quickly spread through...