31- Unforeseen betrayals

174 4 0
                                        

A/N: Here's the update for today. I've been experiencing writer's block this past few days so sorry for the late update. Enjoy reading everyone!

***

AZURENITA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AZURENITA


Nagising akong masakit ang leeg. Siguro dahil mali ang posisyon ng pagtulog ko kaya ganoon. Malamig ang semento na kinahihigaan ko ngayon at nang dumilat ako, bahagya akong nasilaw sa liwanag na sumalubong sa aking mga mata. Kinusit ko pa ang mga mata ko pero sa tuwing igagalaw ko ang kaliwa kong kamay, nakakaramdam ako ng pangingirot sa likuran.

Sinubukan kong kapain kung ano mang meron sa likod ko pero hindi ko magawa. Tunog ng bakal na kumakalasin ang naririnig ko sa tuwing ako ay gagalaw. Sa pagkakataon na iyon, doon na ako tuluyang dumilat.

Nasa puting silid ako, walang ibang gamit ang naririto. Tanging ang nag-iisang pintuan lang din ang maaaring labasan.

Napansin ko rin ang kamay kong nakagapos sa bakal. Hindi ito mahigpit, pero hindi rin maluwag. Sakto lang para hindi ako makawala agad.

Nakahiga rin malapit saakin silang dalawa ni Azie at Divi. Pero hindi ko muna sila ginising. Inalala ko muna kung paano kami napunta dito.

Huling matatandaan ko ay pabalik na kami sa Chateau ng bigla kaming naubusan ng gas. Tapos ang pagkasira ng sasakyan. Ang pakipaglaban sa mga kasama ko. Ang pagtulong ko kay Daddy sa pagtayo.

At ang... Pagbaril niya saakin.

Unti-unting lumabo ang paningin ko. Nag-uunahang tumulo ang mainit luha saaking pisnge. Hanggang sa naging hagulgol ito.

I can clearly understand why my father have to do that. All I think is he's on our side. Na kakampi namin siya. Na handa niya kaming tulungan. I thought we're on the same boat. But, no.

Second, my friends. Icosagon really means a lot to me. Hindi lang kami magkaka-teammate. Nagkasama kami para sa mga misyon. Binuo kami para sa mga misyon. But the bond that we created... Tang'na!

Hiindi ko lubos na maisip na may magtatraydor.

"Ahhhhh!!" Tumakbo ako papunta sa pintuan at pinagsusuntok ito. Nahirapan naman ako dahil sa bakal na nasa kamay ko. Kaya naman, pinagsisipa ko na lamang ito.

"Buksan niyo 'to!!" Malakas kong sigaw. Walang tigil padin ang pagsipa ko sa pintuan na siyang nagdudulot ng malakas na lagabog sa kwartong kinaroroonan namin.

Sobrang sakit mg kalooban ko ngayon. Dumagdag pa yung kirot na nasa likuran ko. But bullshit! Walang-wala ang sugat na nasa likuran ko, kesa sa sugat na nandirito sa loob ng aking puso.

Napakasakit pagtrayduran.

"Tama na," rinig kong awat ni Azie saakin. Hinawakan niya ang balikat ko at pilit na inilalayo sa pinto. Ganoon din ang ginawa ni Divi sa kabila, pero nagmatigas padin ako.

DEAD LINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon