/00/ - Prologue

1.9K 66 6
                                    

Le Viour LaboratorySeptember 2081Saturday

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Le Viour Laboratory
September 2081
Saturday

Abala ang lahat ng tao na naroroon. Mga taong alagad  ng siyensya na nakasuot ng lab gowns, gloves at mask.

Punong puno ng mga hayop ang nasabing laboratoryo. Mula sa maliliit na langgam hanggang sa pinakamalaking elepante.

Ngunit ang mga hayop ay kakaiba, pagkat may naidadagdag na parte sa kanilang katawan. Mutation. 

Katulad nalang ng isang liyon sa loob ng glass chambers. May isang scientist doon na pinag-aaralan ang pagbabago sa katawan ng hayop. Ang pakpak ng isang agila at ang buntot ng isang alakdan. Nakakamangha ba? Talagang nakaka mangha. Dahil ang mga ganitomg klase ng hayop ay makikita lamang sa mga libro... sa libro ng mitolohiya.

"All researchers and scientists must go to the conference hall. Again, all researchers and scientists must go to the conference hall."

Paulit ulit na tunog ng speaker. Lahat ng nasa laboratoryo ay  napahinto sa kanilang mga ginagawa at dagliang tinanggal ang kanilang mga gloves at mask. Pumunta sila sa nasabing lugar, ang conference hall.

Makikita mo ang malaki at mahabang mesa. Kaniya-kaniya namang nagsipuwesto ang mga taong bahagi ng nasabing research. Habang nakaupo sa pinakadulo ang kanilang bagong head, si Dr. Alvin Devaux, ang pinakamataas sa lahat ng naroroon, siya ang nagpasimula ng kanilang bagong proyekto.

" Good day, researchers. I know that all of you are aware that I'm the new head of this project now. And I call this meeting to report me any progress" Saad ni Dr. Devaux.

"Doctor, my observation tells that test subjects are properly reacting to the serum we inject. They are all carriers of different microorganisms and fluids which can result to immortality." Tugon ng isang scientist.

"At last! Ang project na ito ay magtatagumpay! Creatures like this can exist now in reality. " Masiglang saad na may determinasyon sa mata ng doktor. Hindi rin mawala-wala amg ngisi sa kaniyang mga labi dahil ramdam na niya ang tagumapy na matagal ng inaasam.

Isang lalaki ang humahangos papunta sa conference hall. Pawisan ang noo nito at tila may dalang masamang balita.

"Doctor! Ang isa sa mga test subjects ay nakawala!" Bakas sa tinig nito ang pangamba na siyang pumutol sa pagpupulong na naroon.

Nabahala ang lahat at nagsitayuan. Mabilis nilang tinungo ang kinaroroonan ng mga kulungan ng mga hayop.

Isang katamtamang laki ng kulungan ang nakitang wasak. Mapapansin mo na parang ito ay sinira ng kung sino mang malakas na nilalang.

Lumapit si Dr. Devaux dito at tinanong kung anong hayop ang nakakulong doon.

"Anong test subject ang nandito?"

"Doctor, ang nakawalang hayop ay ang TS-069. Ang paniking ito ay carrier ng Phitovirus Sibericum na minsang tinatawag na virus-X." Saad ng isa sa mga naroroon. 

Lahat ay nabahala pagkat ang virus na iyon ay napakadelikado. Ito lang naman ang zombie virus na mula sa ibang bansa.

Who knows? Maybe this virus will wipe out humanity.

-

Makikita ang isang magsasaka at ang kaniyang alagang aso sa isang malawak na palayan ang nanghuhuli ng ibon upang maging pananghalian.

Hawak hawak niya ang isang kahoy na paletrang Y at may nakakakabit na goma sa magkabilang gilid. Isang tirador! Isang tirador ang gamit ng magsasaka.

Nakita niya ang isang ibon na mag isang lumilipad sa himpapawid. Agad siyang kumuha ng bato at inasinta ang ibon.

Boom, sapul!

Bumaksak ang ibon sa palayan hindi kalayuan sa magsasaka. Daglian niya itong nilapitan at nakasunod naman sa kaniya ang kaniyang alaga.

"Gi atay! Paniki pa ata ang natamaan ko." Parang nanghihinayang na saan ng magsasaka.

Pinulot niya ang paniki at nagulat ito dahil buhay pa ang nasabing hayop.

Dumilat ito at namangha ang magsasaka sa ganda ng mga mata nito. Ang kanang mata ay berde, samantalang sa kaliwa naman ay kulay asul.

Napakaganda nitong tingnan pagkat matingkad ang mga ito.

Biglang kumawala ang paniki sa pagkakahawak ng magsasaka at lumipad patungo sa leeg nito. Kinagat niya ang magsasaka at lingid sa kaalaman ng kawawang tao na ito pala ang test subject na nakawala sa laboratoryo.

Ang test subject na carrier ng Virus-X. Virus na maaring umubos sa humanidad.

Sa paglipas ng oras, patuloy na kumakalat ang virus sa katawan ng magsasaka. Makalipas ang labin' limang segudo, nasakop na nito ang kabuohan ng magsasaka.

Tumigil sa pagtibok ang kaniyang puso at huling pinunterya ang utak. Biglang tumayo ng tuwid ang magsasaka at nangisay. Ang katawan nito'y namutla at kumakalat ang itim na ugat sa kaniyang kabuohan na nagmumula sa kagat sa leeg. Ang mata ay namuti at lumabo ang kaniyang paningin. Umitim din ang kaniyang mga labi, ang laway ay tumutulo at parang uhaw sa dugo at gutom sa laman ng tao.

Ang kasama nitong aso ay walang humpay sa pagtahol sa kaniyang amo. Ngunit, hindi na ito ang kaniyang amo.

Wala na sa katinuan ang magsasaka. Hindi na din ito makilala sa kadahilanang parang patay na ang kaniyang pisikal na anyo.

Tumakbo palayo ang aso nito. Dahan dahan namang naglakad ang magsasaka patungo sa kabayanan. Wala ng siyang ibang gusto kundi ang kumain ng laman ng tao at ubusin ang dugo nito.

Dapat na ba mangamba ang mga mamamayan ng Le Viour, San Mikaela?

//

Dead Line
miss_dismissed

DEAD LINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon