15- Safe haven

348 11 5
                                    

A/: Again, this story is full of ERRORS. Stop judging and correct my mistake instead. Enjoy reading.

***

AZIE LOKAI

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AZIE LOKAI

Mula dito sa bubong na kinauupuan ko, tanaw na tanaw ang mga bahay at ang mga taong nasa labas. Hindi katulad sa lumang bahay nila Mac, dito ay rinig na rinig mo ang ingay ng mga tao kahit pa nasa mataas ka na bahagi.

At dahil gabi na, lumilitaw sa dilim ang mga ilaw ng bawat tahanan. Lumalamig na din ang ihip ng hangin kaya naman isinarado ko na ang zipper ng suot kong jacket.

Dalawang linggo na ang lumipas matapos naming nilisan ang Le Viour at Racoon Ville, at sa mga araw na iyon, hindi talaga nawala ang pag-aalala naming lahat sa kanila Divi at Kirby.

Sakay ang bus, dinala kami dito ni Edson. Malayo layo ito mula sa Le Viour pero sakop parin ito ng San Mikaela. Tinahak namin ang sementadong daan patungo dito at dumaan sa tunnel. Sinalubong kami ng nagtataasang mga pader at mahigit sampung mga sundalo ang nagbabantay sa labas nito.

Hindi pa man kami nakakababa ay nakatutok na sa bus na sinasakyan namin ang kanilang mga armas na tila ba'y may masama kaming gagawin. Dahan dahan at paisa-isa ang pagbaba namin. Humilera kaming lahat paharap sa mga sundalo at isa isang nilapitan para i-check ang mga mata at temperatura ng katawan.

Nang masiguradong normal kami, inakay kami papasok doon sa pader na dahan dahan namang bumubukas. Hindi pa kami tuluyang nakapagpahinga noon dahil dinala agad kami papunta sa isang mataas na gusali. Sakay ang elevator, dinala kami sa pinakamataas na palapag. Kasama parin namin ang mga sundalo at maging sila Edson ay kasama din.

Pinapasok kami sa isang silid pero naiwan na ang iba sa labas. Tanging ako at ang mga kasama ko lang ang pinahintulutang pumasok. Bumungad saamin ang napakaaliwalas na silid. Wala masyadong dekorasyon pero napakalinis. Maging ang tiles sa sahig ay makintab, tanging mga maruruming sapatos lang namin ang naiiba.

Umupo kami sa couch na nandoon at pumasok naman ang isang lalaking nakauniporme ng pang sundalo. Nagsitayuan naman kami bilang salubong sa lalaking iyon. Matikas ang kaniyang tindig at medyo may katandaan na din siya. Dahil sa kaniyang suot, ramdam mo ang kaniyang otoridad kaya naman masasabi talagang dapat mo siyang i-respeto. Siya si Commander Damian El Morato.

Kinausap niya kami tungkol sa mga bagay bagay. Tulad ng pangalan, pinanggalingang lugar at kung paano kami nabuhay sa kabila ng nangyayari sa paligid na sinagot naman namin ng maayos.

Matapos ang pag uusap, ay lumabas na kami sa silid at hinatid naman kami ng mga sundalo patungo sa bahay na puwede naming tuluyan.

Napahiga naman ako matapos kong maalala ang mga nangyari pagdating namin dito. Masasabi kong napakabilis lumipas ng panahon at eto kami ngayon, nasa mabuting kalagayan. Marami din ang nandito sa loob ng harang kasama namin dahil marami rami din ang nasagip na survivors ng mga sundalo.

DEAD LINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon