/30/ - Fallen

131 6 0
                                    

A/N: Ilang araw nalang, pasukan na sa mga public schools. Good luck and keep safe everyone!

***

AZURENITA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AZURENITA

Last night was intense. Nagkasagutan lang naman kami ni Daddy sa hapag kainan. Ang totoo niyan, habang kinokontra ko ang mga sinasabi niya, malakas ang pagkabog ng dibdib ko. It's a good thing na nakumbinsi namin si Dad after what happened.

His survival is still a big question mark for me. Hindi niya sinabi kung paano siya nabuhay despite of the zombie outbreak. But still, I'm also thankful. Siya nalang ang nag-iisa kong mahal sa buhay, at ayokong pati siya ay mawala pa. Hindi man ako malambing na anak, but I love my father. I really do.

Nag-iimpake na ako ng mga dadalhin namin pabalik. May sasakyan naman sa garahe kaya alam kong hindi kami mahihirapan sa pag-uwi. Sigurado akong pati sila Azie ay naghahanda na rin. Dahil maya-maya lang ay aalis na kami.

Pinagkakasiya ko sa daldalhin kong bag ang baseball bat, kitchen knife at iba pang mga gamit. Melee weapon lang ang mga ito, pero mas mabuting mayroon kaming gagamitin kung sakali mang magkaaberya mamaya.

Doktor ang tatay ko at hindi sundalo. Kaya naman wala kang makikitang armas dito sa bahay dahil wala naman itong kinalaman sa kaniyang trabaho. Pero, wala nga ba?

Kakasabi niya palang kanina na kabilang siya sa Black Org. Ayon sa binigay na research saakin ni Ling, ang Black Org ay isang secret organization sa loob ng Bulb Corporation. Wala pa akong masyadong alam sa bagay na iyon dahil kaunti palang ang impormasyong hawak ko sa ngayon. Pero hindi magtatagal, lalawak din ang kaalaman ko tungkol sa grupong 'to. Hindi man ngayon, alam kong darating ang araw na mabibigyang linaw ang lahat.

Matapos ko ilagay ang huling pack ng cream-o sa bag, isinarado ko na ang zipper at hinanap ang mga kasama ko. Nasa mesa sila at nag-a-assemble ng baril.

"Saan galing 'to?" Tanong ko sa kanila at pinulot ang isang baril. Nasagot naman ang taning ko nang biglang lumitaw si Daddy na may dalang dalawang rifle.

"These are my collections of firearms. Mukhang ngayon ko pa ito magagamit." Sabi niya at inilapag ang dala sa mesa.

"Where did you get this, Dad? Doctors must have stethoscopes intead of guns." Sabi ko sa kaniya. Pero sa halip na sumagot, ngumiti lang siya saakin.

"Is everything's done? Kailangan na nating umalis para hindi tayo maabutan ng gabi." Sabi niya saamin. I frowned upon him. It's just 8 in the morning, imposibleng abutan kami ng gabi dahil sobrang aga pa.

"Grab your weapons, we'll might face an intese battle later." Sabi ni Daddy at pinulot ang isang mahabang baril. Ganoon din ang ginawa nina Azie at Divi saka isinukbit ang mga bag nila. I have no choice but to pick also a gun before leaving. At least now, we have this.

Kahit na sinanay kami sa pakikipaglaban sa loob ng Chateau, bago parin sa pakiramdam ko ang paghawak ng baril. Para bang hindi parin ako sanay. Wala kasi sa isip ko dati na makita ang sarili kong hawak-hawak ang bagay na ito. Buong akala ko, baseball bat lang ang panggigigilan kong hawakan, pati rin pala ang baril.

Napailing nalang ako sa naisip ko at pumasok na sa loob ng kotse. Si Daddy ang magmamaneho kaya naman ako ang nasa shotgun seat habang nasa likod naman ang dalawa.

Umalingaw ang tunog ng makina sa paligid. Nang tahakin namin ang daan palabas ng village, unti-unti na ring nagsisilitawan ang mga zombies na likuran ng sasakyan. Kitang-kita ko ang pagtakbo nila kahit pa sa rear mirror lang ako nakatingin.

Mas binilisan pa ni Daddy ang takbo ng sasakyan, pero hindi parin tumigil ang pagdami ng bilang ng mga humahabol saamin. Hindi ko na napigilan ang sarili at kinasa ang hawak kong baril. Dumungaw ako sa nakabukas na bintana at pinaputukan ang mga tumatakbong halimaw.

Hindi lang nasa likuran ang mga zombies dahil amy ilan din kaming nakakasalubong. Pero iniiwasan lang iyon ni Daddy. Takot ba siyang magasgasan ang sasakyan?

Mas dumami ang putok na maririnig dahil sumali na rin sina Azie sa aking ginagawa.

Narating namin ang bayan nang patuloy na dumadami ang mga zombies. Hindi lang doble, kundi triple ang naging bilang nila. Napakarami talaga pagkat bawat kantong madadaanan namin ay may mga tumatakbong nilalang patungo sa aming direksyon.

Pawisan na ang noo ko dahil sa walang tigil na pagbabaril sa mga nilalang sa likod. Pero hindi ko magawang magpahinga dahil sobrang dami talaga nila!

"I think we have a problem." Biglang sabi ni Daddy. "A really huge problem."

Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Spill it, Dad." Sabi ko.

"We running out of gas." Sabi niya sa seryosong paraan. Now we're all doomed. Napakaraming humahabol saamin ngayon. Our ammunitions will never be enough.

"Look! It's them." Sabi ni Azie. Napatingin ako sa harapan kung saan siya nakaturo. Two military tanks are facing our direction. It's two long tubes are pointing at us. Laking gulat ko nalang nang bigla itong pumutok.

"Duck!!" Sigaw ko.

Kasabay ng malakas na pagputok ay siyang pagkasira ng taas ng sasakyan namin. Ang upper part ng sasakyan ay siyang nahagip. Kung hindi kami agad nakapagtago sa baba, wala na siguro kaming mukha!

Unti-unti ring huminto qng sasakyan namin. Sunod-sunod na bala mula sa kabilang bahagi ang papunta saamin. Pero hindi kami natatamaan dahil ang mga zombies naman ang inaasinta.

At dahil masyado na silang malapit saamin, baseball bat na ang agad kong kinuha. I strike the bat hardly at the zombie's face who's nearest to me. Bumaba ako ng sirang sasakyan at sinipa ang tiyan ng zombie ma siyang nagtangkang lumapit saakin. Tumalsik ang dugo nila saaking mukha na siyang kinangiwi ko naman dahil hindi kaaya-aya ang amoy nito.

"Takbo!!" Sigaw ni Divi. Binitawan ko naman ang hawak kong bat at mabilis na tumakbo. Kinuha ko ang auto-pistol na nasa aking gun pocket at pinaputukan ko ang nasa likuran ng hindi na lumilingon pa.

Naunang nakalapit si Divi sa dalawang tangke kung nasaan ang ilang miyembro ng Icosagon. May ibang mukha ring hindi pamilyar saakin na siyang may hawak ng baril at nagpapaputok. Sinalubong si Divi ni Beige pero pinaputukan niya ito sa binti kaya siya natumba.

Nanlaki ang aking mga mata sa nakita at agad na tinutok kay Beige ang hawak kong baril. Pero sinipa naman ito ni Wanda, sinipa niya rin ang aking tiyan na siyang dahilan ng aking pagkaupo sa lupa.

Magulo parin ang paligid, walang tigil padin ang putukan. Pero sa hindi na mga zombie ang kalaban namin, kundi ang mga mismong kakampi pa. Anim na miyembro ng Icosagon ang nandito, hindi ko alam kung nasaan ang iba.

Mabilis akong tumayo at napansing nakaupo rin ang aking ama malapit sa pwesto ko. Inilahad ko ang aking kamay para tulungan siyang tumayo. Pero imbes na tanggapin ito, mabilis niyang kinuha ang kaniyang baril sa tagiliran at tinutok iyon tungo sa katawan ko.

He pulled the trigger and after a couple of milliseconds, I felt the bullet in my shoulders. I also felt my knees bended as my body fell. The last thing I saw is my father holding the gun before darkness spread into my system.

//

Don't forget to wash your hands and drink your water, babies. Stay at home in this time of pandemic♡

- Alexa/ miss_dismissed

DEAD LINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon