A/N: Sorry for the long wait guys, I'll be updating 2 chapters toady. So enjoooy reading! Muahh.
***
AZIE LOKAI
Today is a big day. Maaga akong gumising para maghanda. Hindi ako pwedeng mahuli ngayon araw na'to. Halos lahat naman ata kami ay excited para sa magiging ganap ngayon. Today is our face-off, where different students from different Casas will battle for the rankings.
Bumaba na ako sa kama ko at nakita kong tulog parin si Azure. Ano ba naman 'tong babae na 'to. Hindi ba siya aware sa magiging ganap ngayon?
Niyugyog ko na siya para naman sabay na kaming maghanda. Nagising naman siya at sinabihan ko nang maghanda para hindi kami ma-late. Kinuha na niya ang tuwalya niya at dumiretso sa loob ng cr. Tingnan mo 'to, uunahan pa akong magbanyo.
Hinanda ko nalang ang susuotin ko at naghintay na matapos si Azure. Nang matapos na siya, ako naman ang pumasok para maligo. Hindi ko na ininda ang lamig ng tubig. Ang totoo, tama lang ang lamig niya para tuluyang magising ang diwa ko. Binilisan ko nalang ang kilos para makapagbihis na.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ding kaming dalawa sa kwarto. Nagulat pa ako dahil nasa labas pala si Trevor.
"Good morning!" Bati niya.
"Kanina ka pa d'yan?" Tanong ko.
"Uhm, yeah." Sabi niya sabay kamot sa batok. May kuto siya?
"Dapat kumatok ka nalang." sabi ko.
"Ayoko kasing magmadali ka eh. Besides, I'm willing to wait." He said smiling. Bakit napakagwapo niyang tingnan kapag ngumingiti? Kapansin-pansin din ang ayos niya ngayon. Parang lalo siyang gumwapo. Siguro naghanda din 'to ng todo.
"Mamaya na ang harutan. Gutom na ako." Hirit ni Azure.
"Good morning, Azure" bati ni Trevor.
"Same, Trev. Alam mo saan sila Kirby?" Tanong niya.
"Yeah, daanan na ba natin?" Saad ni Trevor. Tumango si Azure bilang sagot at nauna namang maglakad si Trevor since siya ang may alam kung saan ang room nila Kirby. Pinakiusaoan daw ni Divi si Commander Damian na sa Casa na namin siya tumuloy, para hindi malayo saamin. Pumayag naman siya pero dahil isang kwarto nakang ang vacant, magkasama na silang dalawa ni Divi sa loob. Hindi ko alam ba't sila pinayagang magkasama sa iisang kwarto. Kasi kami dati, plano naming lima na magkakasama nalang sa iisnag kwartompero hindi daw pwede dahil babae kami ni Azure at lalaki sila ni Trev. Kaya ayun, kami ang magka-roommate ni Azure habang ang mga boys naman magkakasama.
Si Trevor na ang kumatok sa pinto, habang kami naman ni Azure ay naghintay lang. Si Kirby ang nagbukas nun pero naunang lumabas si Divi. Binangga niya kasi si Kirby para makadaan siya.
BINABASA MO ANG
DEAD LINE
HorrorHIGHEST RANK: #1 in Survival PLEASE TAKE NOTE THAT THIS STORY IS CURRENTLY UNDER MAJOR REVISION. ----- Azie and her friends are just living their normal life until a dilemma has just began. Everything becomes a mess as virus X quickly spread through...