28- The Mission

153 7 1
                                    

A/N: Hello my dear readers. How's your quarantine going? Eat your break fast and stay hydrated, babies. Start your day with a smile as you read this update :)

***

AZIE MARIE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AZIE MARIE

Nakaharap ako ngayon sa salamin habang sinusuklay ang basa kong buhok. Kakatapos ko lang maligo at suot ko ngayon ang uniform ng Icosagon. Isa siyang lether black pants at black long sleeves na may nakaburdang ICSGN sa kaliwa. May kasama rin itong lether boots sa loob ng box kaya kompleto na talaga siya kapag isusuot.

Tinali ko na ang buhok ko at inayos muna ang mukha bago lumabas ng kwarto. Ngayon ang araw na pupunta kami sa Centro para sa aming pinakaunang misyon.

Sa totoo lang, kinakabahan talaga ako ngayon. Ito ang unang beses na isasalang kami sa totoong laban at kinakabahan ako dahil baka hindi sapat ang galing ko para ro'n.

"Ready kana?" tanong ni Azure sa'kin na siyang nasa gilid ko lang ngayon. Gaya ko, ay nakasuot na rin siya ng uniform namin.

"Medyo." sagot ko sa kaniya.

"Anong medyo ka d'yan? Kinakabahan ka 'no?" tukso niya saakin.

"Malamang." sagot ko sa kaniya. Umakbay siya saakin at sinakal ang leeg ko gamit ang braso niya. Dahil na rin sa kahirapang huminga, siniko ko siya sa tiyan. Binitawan na niya ako pero sinamaan ko parin siya ng tingin. Ang gaga, tinawanan lang ako.

"Chillax, magkakasama naman tayong lahat, eh. Kaya sabay-sabay din tayong mamamatay." sabi niya habang tumatawa.

"Mauna ka." sabi ko sa kaniya at inayos ang suot ko. Nagulo kasi ito ng sakalin niya ako. Buset 'to, ang yagit na tuloy!

Nang makompleto na kami sa harap ng bahay, sabay-sabay na kaming naglakad papuntang Centro. Hindi naman kalayuan ang Centro kaya naman wala palang sampung minuto, natatanaw na namin ang gusali nito.

Nang makapasok na kami sa loob, agad na kaming gi-nuide papunta sa opisina ni Commander Wade. Marami ring mga taong naka-uniporme ang nandito, Centro kasi ang namamahala sa proteksiyon ng buong lugar dito sa loob ng harang.

"It's good to see you here this early." Bati ni Commander saamin. Pero kapag naman na-late kami ng kahit ilang segundo lang, sisigawan na naman siya! Akala mo nasa kabilang planeta ibang kausap, e. Palibhasa tumatanda na 'tong panot na 'to, kaya ang bilis mainis.

"By the way, like what I said, I'm not in charge of your missions anymore. Proceed to Colonel Manuel and recieve your first task." Sabi niya saamin at pimagpatuloy ang kaniyang ginagawa sa kaniyang desktop. Naabutan kasi namin siyang kaharap iyon, baka may inaasikaso siya.

Umalis na kami doon at nagtungo sa opisina ni Colonel.

"Daddy!" Sigaw ni Molly nang makita niya ang ama. Sinalubong naman siya nito ng yakap.

DEAD LINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon