HIGHEST RANK: #1 in Survival
PLEASE TAKE NOTE THAT THIS STORY IS CURRENTLY UNDER MAJOR REVISION.
-----
Azie and her friends are just living their normal life until a dilemma has just began. Everything becomes a mess as virus X quickly spread through...
A/N: Again, this story is made by an amateur writer. Expect errors ahead while reading. If you notice something wrong, pakisabi nalang po saakin. Bukas ako para matuto
***
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
AZURENITA
It's already 7 in the evening, at kakatapos lang namin kumain ng hapunan. Dumiretso ulit kami sa field dahil andoon na si Commander Wade.
Napakabilis ng pangyayari. Kanina lang ay nagpapalitan kami ng mga pasa, sugat at bala. Pero ngayon, nandito kami ulit, nakapila. Nagbabakasakaling matawag ang mga pangalan namin. Ngayong araw din na 'to ia- announce kung sino ang makakasali sa Icosagon. Syempre, isa ako sa mga taong gustong mapasama sa grupong iyon. Hindi para magyabang o ano, kun'di dahil may sariling intensyon ako.
Kapag nakapasok ka kasi sa grupong ito, madami kang advantage. Katulad ng may sarili kayong building, may sarili kang room, may mga access ka sa iba't ibang bagay na hindi mo pwedeng pakialaman noon. But of course, hindi lang puro pasarap. Magpapatuloy pa rin ang training mo under military. At magt-trabaho ka sa Centro. It's a big opportunity for me if ever na makakasali ako sa Icosagon. I can lurk around in that place doing my thing.
Madami kaming andito sa field. Pagsama-samahin mo ba naman lahat ng Casa, buti nalang talaga at malawak ang field kay nagkasya kaming lahat. As usual, nasa line 7 na naman kaming magba-barkada. Si Azie ang nasa unahan habang si Mac naman ang nasa huli. Pasimple rin ang pagkukulitan nila Luke at Kirby. Dahil kapag nahuli sila, tiyak na 'sangkatutak na sigaw mula kay Commander ang matatanggap nila.
Kasalukuyan pang nagsasalita si Commander ng kanyang speech, pero karamihan sa mga andito ang hindi mapakali. Kahit ako, gusto kong matapos na agad iyon para proceed na sa announcement ng members. We all did our best sa iba't ibang station, lalong-lalo na sa mga bagay na kung saan kami magaling. Pero hindi parin iyon sapat na dahilan para maging kampante. Lahat kami ay mandatory na nagparticipate. Kaya naman, madami ka talagang makakasalamuha na magaling.
After how many minutes, at last! Natapos din si Commander sa kaniyang pagkahaba-habang speech. Inabutan siya ng isang puting papel ng isang cadet. I bet iyon na ang listahan ng mga pangalan na makakasama sa Icosagon.
"Nasa kamay ko na ang mga pangalan ng bubuo sa Icosagon. I know you're all excited, kaya naman 'wag na tayong magsayang ng oras" sabi ni Commander Wade. Binuklat na niya ang papel at tiningnan ang mga pangalang nandoon.
"Once I call your name, please join me here at stage" sabi niya pa.
"The first member of Icosagon is..." huminga pa siya ng malalim bago niya ipinagpatuloy ang sasabihin.
Tsk, pabitin.
"Rodrique Twelve Qiatchon from Casa de Silangan" isang matangkad na lalaki ang umakyat sa stage at sumaludo kay Commander Wade. Kinamayan siya nila Colonel Ezperanza at Commander Damian, ganoon din ang mga cadet. Malaki ang pangangatawan niya. Masasabi 'kong kahit siguro hand-to-hand combat lang, e wala na akong panama.