***
AZIE LOKAI
I hate Mondays.It's 7:32 in the morning at nandito ako sa convenient store para mag breakfast. Late na kase ako nagising at baka ma-late lang ako lalo pag nagluto pa ako. So I decide to grab my breakfast here at sa school na ako kakain.
While waiting my turn para mag bayad sa cashier, nag-browse muna ako sa internet. I'm just scrolling down through my phone then may mag-pop na notification. Nag-vibrate ang phone ko at nabasa ko ang headline ng news.
Zombie farmer?
This Monday, September 18, a farmer attacks civillians cause panic to the public. It is said yo be aggressive and scary, with black veins and pale white skin all over his body--
Naputol ang pagbabasa ko ng news dahil ako na pala ang susunod na magbabayad. I get my money from my wallet and gave it to the cashier. Tinanggap naman niya ito at agad na binigay ang aking sukli.
"Thank you, ma'am. Have a good day. Please come again." Saad nito sakin. Lumabas na ako agad ng convenient store at pumara ng jeep papuntang school. Grabing taxi is too expensive. Kuripot na kung kuripot. But, gumagasta lang ako ng malaki para sa pagkain.
Maluwag pa naman ang napara kong jeep kaya hindi ako nahirapan. Twenty minutes ang biyahe from our house to my school at 8:15 ang simula ng class ko. Kaya may oras pa ako para kumain, maybe I'll do it sa cafeteria ng school.
Suddenly my phone vibrates and I saw Divi's name on the screen. She's my childhood friend and apparently my classmate. I answer her call and say hello.
"Hoy gaga, asan kana?" Bungad nito sakin. Wala man lang good morning. Tch, this lil' sht.
"I'm on my way to school na, why?" Sagot ko dito.
"Bilisan mo na! Kanina pa kami ni Azure naghihintay sayo, aba! Alam ko may dala kang pagkain kaya bilisan mo na. We're so gutom na din. Hurry up!" She said and dropped the call.
Aba! 'Tong slap soil na to, kulang sa aruga. Babaan daw ba ako? Tch.
I'm now heading to my room bitbit ang binili ko kanina. Nang makapasok na ako sa room, napansin kong nanunuod sila ng isang balita. It's about the grand opening of the new museum sa bayan. Le Viour City is now upgrading na talaga. Humahabol na ang economy status nito sa ibang mga siyudad sa San Mikaela.
Tumungo na ako sa puwesto ko at nakita kong dinadaldal ni Divi si Azure. Umupo na ako doon at nilapag sa table ko ang bitbit kong pagkain. Agad naman itong binuksan ni Divi kahit hindi pa ako nakakaupo.
'Patay gutom amp'
I also grab mine mamaya maubusan pa ako, mahirap na. We usually talk about our weekends but now is different. Si Azure na ang nag open ng topic about sa isang balita which is odd. Sa sports lang siya interesado because she's a softball varsity. If meron mang dapat magdadaldal about sa news, si Divi dapat yon since she's a journalist.
" Nabasa niyo na ang balita? About dun sa aggressive farmer?" Pag uumpisa ni Azure. That's the news I red kanina.
"What about it? I read it kaso hindi full details." Sagot ko.
"You think is it odd? Le Viour is a city with a province vibes. Kahit na masasabi mong umaangat ito, ramdam mo pa din ang pagiging probinsya nito. You know, the atmosphere, kahit na unti-unti nang pinapatayuan ng mga pabrika ang ilan sa mga lupa dito." Sabi ni Azure.
"So what are you trying to say?" Tanong ni Divi.
"I think there's something wrong about that aggressive farmer." Azure said.
"Duh, I also read that kanina. Kaso hindi ako naniniwalamg zombie iyon. Malay mo depressed lang si Manong at ganon or may mental problem. 'Wag tayong mag-isip ng advance. Kaya gano'n ang headline ng news para maraming ma-curious at magbasa ng balita. Duh? Journalist here?" Saad ulit ni Divi.
At first I thought it was. But seeing his physical appearance, masasabi mong may mali. Naputol ang pag-iisip ko ng biglang magkagulo ang mga kaklase ko. Pagtingin ko sa kanila ay lahat sila nakatutok sa TV kaya tumingin din ako doon.
Ang kaninang maayos na opening ng museum ay nagkagulo. Makikita ang isang babae ang tumalon sa emcee ng event at kinagat ito sa braso. Maya maya ay natumba ang emcee at nagkagulo talaga ang mga tao roon. Ang babaeng kumagat dito ay lumapit pa sa ibang mga tao at pinagkakagat niya ang mga ito. Ang kaninang emcee na kaniyang kinagat ay biglang tumayo at nangisay. Bigla itong namutla at makikita mong may kung anong itim na bagay ang kumakalat sa katawan nito. It is visible because she's wearing a white fitted casual attire.
"That's what I'm trying to say." Saad ni Azure.
"Ano yon? Bat may mga ugat? Is she a zombie from Train To Busan?" Pagbibiro ni Divi pero walang pumansin sa kanya dahil lahat ay nakatutok sa TV.
Naagaw lang ang atensyon ng mga kaklase ko ng may kumalabog sa front door since nakasara ang backdoor. Si Nick, isa sa mga kaklase namin. Pawisan ito at bakas sa mukha ang pagod at takot. Tumakbo ata ito papunta dito.
"Pre, anyare sayo? Nakipag-marathon kaba sa mga zombie, ha? Nyahaha." Biro pa ng isa naming kaklase.
"You'll not gonna believe me, guys. While sitting at the field with Rhaivin and Jack, someone just bite Jack's arm at nahimatay ito. Then bigla itong nangisay at tumulo ang laway. Nakakatakot ang itsura niya kaya nung lumapit ito samin ay tumakbo kami. I thought na di siya susunod but hinabol niya din kami ni Rhaivin." Humihingal na pagsasalaysay ni Nick samin.
Tinawag ko si Expe at binato ng bottled water. Nasalo niya naman ito at inabot kay Nick, ininom niya naman ito marahil sa pagod nito kakatakbo. If it's true maybe grabe talaga ang pagtakbo nito dulot ng andrenaline rush.
"Pre, baka naman gino-good time mo lang kami." Sabi ni Expe.
"Oo nga, pre. Sasapakin talaga kita." Sabat pa ni Gian. Kilala kasi si Nick na maloko at mapangtrip talaga kaya hindi din basta basta naniniwala ang mga kaklase ko sa kanya.
"Promise,pre. Totoo yon, mamatay ka man." Sagot ni Nick. Tingnan mo to nagbiro pa.
"Asan si Rhaivin?" Tanong ni Divi sa kanya.
"Nagkahiwalay kami ng lumiko siya sa kabilang hagda--"
"Ahhhhhh tulong!!!!" Naputol ng sigaw ang sinasabi ni Nick. Sigaw ito ng lalaki at nakita namin si Rhaivin mula sa bintana na naabutan ng humahabol sa kaniya.
Dinambahan siya nito at mariring mo ang panlalaban niya. Maya maya ay biglang tumahimik. Lumapit ang mga kaklase ko para silipin si Rhaivin. Maya maya pa ay bigla itong tumayo habang nangigisay. Tumayo din ang kaninang humahabol kay Rhaivin at napatili ang mga kaklase kong malapit sa kanila dahil sa gulat. Totoong nakakatakot ang anyo nito. Nangingitim ang labi at namumuti ang mata. Tumutulo pa ang laway nito.
Bigla nitong hinila si Nathalie na siyang malapit sa nakabukas na pintuan. Natumba si Nathalie at napasigaw. Humawak siya sa isa sa mga upuan bilang suporta para hindi matangay, ngunit di nagtagal ay nakabitaw din ito. Tanging maririnig mo nalang ay ang sigaw nito. Makikita mo naman si Rhaivin na parang nagaya na din sa kumagat sa kaniya. Binangga niya ang bintana at nabasag ang salamin dito. Hinila niya ang pinakamalapit sa kaniya at kinagat ito.
What the fuck is happening?!?
//
BINABASA MO ANG
DEAD LINE
HorrorHIGHEST RANK: #1 in Survival PLEASE TAKE NOTE THAT THIS STORY IS CURRENTLY UNDER MAJOR REVISION. ----- Azie and her friends are just living their normal life until a dilemma has just began. Everything becomes a mess as virus X quickly spread through...