26- Headquarters

160 8 1
                                    

A/N: Here's an update for today. Sana magustuhan niyo. Enjoy reading, babies! Muahh

***

AZURENITA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AZURENITA


Gaya ng napag-usapan, maaga kaming nagkita-kita sa field. Nandoon na rin ang ibang mga kasamahan namin sa Icosagon. Kompleto na kami at si Commander Wade nalang ang hinihintay. Tingnan mo 'to, lakas maka-demand na dapat maaga pero siya naman 'tong late.

Binilang ko ang mga nandito, pero 18 lang talaga kaming lahat. Kagabi ko pa iyon napansin pero mas sigurado na ako ngayon.

"Line up!" rinig na ring ang sigaw na iyon at kilala namin kung sino ang nagmamay-ari mg sigaw. Kaya naman dali dali kaming gumawa ng dalawang hanay, lara sa mga babae at mga lalaki.

"Ang Icosagon ay binubuo ng sampung lalaki at sampung babaeng matatapang, tama ang pinaglalaban, at higit sa lahat, laging inuuna ang kapwa. Understood?" sigaw saamin ni Commander Wade.

"Sir, yes Sir!" tugon namin sa kaniya.

"Ngayon, sundan niyo ako sa magiging gusali niyo" sabi ni Commander Wade at naunang magpakad saamin. Sumunod naman kami sa kaniya. Pumunta sa gawi namin ang mga boys kaya naman nasira ang pilang ginawa namin kani-kanina lang. Nagkanya-kanya na din ang iba kaya naman ngayon, wala na talagang pila.

Napahinto kami nang mapahinto din si Commander. Nilingon niya kami at biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Na para bang may ginawa kaming hindi kaaya-aya sa paningin niya.

"Who the heck told you to destroy your fucking line?!" sigaw niya saamin. Dali-dali naman kaming bumalik sa dati naming pwesto dahil doon.

"Kahit kailan talaga 'tong panot na 'to. Walang patawad!" mahinang bulong ni Azie na nasa likod ko lang. Napatawa nalang ako sa kaniya. Ewan ko ba kung bakit panot ang tawag niya kay Commander, e maayos naman ang tubo ng buhok niya.

"Lakad pasulong na!" sigaw niya kaya naman bilang pagsunod sa kaniya, nagmartsa na kami.

"Bumilang kayo!" Takte, hindi ba suya napapagod kakasigaw? Kala mo may galit sa mundo e, ta's sa'min binubuntong galit niya.

"Isa! Isa! Isa, dalawa. Isa! " sabay-sabay naming lahat na bigkas. Gano'n lang ang ginawa namain hanggang sa dalhin kami ng mga paa namin sa likod ng isang gusali. Dalawa lamang ang palapag nito at di hamak na mas maliit kumpara sa Casa na pinanggalingan namin.

Huminto kami sa harap ng gusaling iyon dala-dala ang mga kaniya-kaniyang gamit. At humarap naman saamin si Commander. "This will be the head quarters of Icosagon. There's no commander that's incharge here. So be responsible for yourselves! Are we clear?"

"Sir, yes sir!" sigaw namin babalik wa kaniya. May kinuha siya sa kaniyang bulsa at lumapit doon sa double door. Binuksan niya iyon at tumambad saamin ang mga puting tela na nakatakip sa mga gamit. Malawak naman sa loob kaso nga lang napabayaan. Kinulang sa linis kaya maalikabok.

DEAD LINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon