***DIVI MARIE
Pabalik na kami sa bahay ni Uncle, pero hindi parin mawala ang lungkot na nararamdaman ko. Panay ang singhot ko din dahil no wonder, nagkasipon ako. Kasabay ng pag-alis namin doon, ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Hinugasan nito ang dugong nakakalat sa paligid, mula sa mga sundalong pinatay namin.Pero kahit na malakas ang ulan, hindi na kami nagtangkang sumilong pa. Dahil wala naman din kaming mapupuntahan at masisilungan. Pinagpatuloy nalang namin ang paglalakad kahit na malakas ang bagsak ng tubig mula sa langit. Masakit iyon kapag tumatama ito sa balat mo.. pero hindi ko iyon ininda.
I think mas masakit parin ang nararamdaman ko.
Tahimik lang kaming tatlo habang binabaybay namin ang daan pauwi. Walang umiimik ni-isa saamin. Hindi ko alam kung ako lang ba, o pati sila ang apektado sa mga nangyari kanina. Pero.. I don't care. I feel like I'm the most cruel person in the world. It feels like I'm a fucking criminal. I put justice in my hands even though I know it's wrong.
Muli ko na namang naramdaman ang pagtulo ng luha ko sa mga mata. Naalala ko kung gaano kabilis na pinulot ng kamay ko ang baril.. ang apat na sunod sunod na putok.. at ang pagbagsak nila sa lupa.
Ganito ba ang kaplit ng pagiging malakas?
Sa kagustuhan kong protektahan ang sarili ko, kailangan komg pumatay ng ibang tao?
Napapikit nalang ako ulit at pilit kong inalis iyon sa isip ko. I just realized na, malapit na kami sa bahay dahil natatanaw ko na ang bubong nito. Malakas parin ang ulan at unti unti ko ng nararamdaman ang panlalamig. Tiningnan ko ang palad ko, para lang makita lung gaano ito ka putla at kung gaano ito kakulunot dahil sa lamig.
Nahuhuli parin ako sa paglalakad at tanging likod lang ni Kirby at ni Uncle ang nakikita ko. Naalala ko ang paghingi ng tawad ni Kirby. Hindi ko alam kung para saan iyon pero.. no need na. I know that it's my choice.
Narating na namin ang bahay at pinasok na nila sa loob ang baboy na nahuli namin. Oo, binalikan namin iyon dahil sayang naman. Pero yung ibon na naasinta ko, hindi ko na alam kung nasaan.
"Magpahinga na muna kayo, I know you're both tired. Ako na muna ang bahala rito." ika ni Uncle. Tumango naman ako bilang sagot at umakyat na. Hindi ko alam kung sumunod ba si Kirby. Dumiretso lang ako sa kwarto para kumuha ng damit bago tinungo ang banyo sa taas.
Hinayaan ko lang na dumaloy ang tubig sa aking katawan. Mabuti nalang ay hindi gaanong malamig ang tubig sa shower kaya naman hindi na ako nanginig. Matapos ang ilang minuto ay natapos na ako at nagbihis. Tinungo ko agad ang kwarto at binagsak ang katawan sa kama. I don't care if my hair is still wet. I just know that I am tired, and I just want to rest. Wala ng iba.
I closed my eyes and later on, darkness invades the whole system of my body.
KIRBY
BINABASA MO ANG
DEAD LINE
HororHIGHEST RANK: #1 in Survival PLEASE TAKE NOTE THAT THIS STORY IS CURRENTLY UNDER MAJOR REVISION. ----- Azie and her friends are just living their normal life until a dilemma has just began. Everything becomes a mess as virus X quickly spread through...