11- Where are they?

403 19 1
                                    

A/N: After suffering a long writer's block, at also kagipitan sa load chos, finally, nakapagsulat na din! Sorry for the late update guys. So sinong naka-miss sa squad? Probably me! Lalong lalo na ang thrill. So here it is na nga. Enjoooooy reading everyone!

***

AZIE LOKAI

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


AZIE LOKAI

Nagising ako sa mahinang pagyugyog sa aking katawan at saka ko naman naramdaman ang matinding pananakit ng likod. Siguro ay dahil ito sa maling posisyon ng pagtulog o sa kahit ano pang mga bagay. Pagkadilat ko ng aking mata, mukha ni Juri ang bumungad saakin. Muntik pa akong mahulog sa pinagdugtong dugtong kong mga monoblock dahil sa bahagya kong pagkagulat. It's unusual naman kasing siya ang gumising saakin. Nasanay akong si Azure o kaya si Trevor ang gumising saakin.

"Gisingin daw kita sabi ni Azure" humihikab sa sabi saakin ni Juri. Siguro ay kakagising niya pa lang kaya gano'n. Magulo rin kasi ang buhok niya at may muta pa sa kaliwang mata.

Speaking of muta, napahawak ako sa mata ko at kinapa kung may namumuo bang morning glory sa mata ko. Jusko, nakakahiya!

"Asan sila?" Tanong ko sa kaniya. Wala na kasing ibang tao ang nasa loob ng office ni Mylene

"Nasa canteen, do'n sa 3rd floor" sabi niya bago tumalikod at tinungo ang pintuan. Tumayo na din ako at sumunod sa kaniya. Hindi ko naman din kasi alam kung saan yo'n eh, mamaya maligaw pa ako.

Nang makababa naman kami ng 3rd floor, lumiko naman agad itong si Juri. Nakasunod lang ako sa kaniya kasi siya ang may alam ng lugar. Pagdating namin sa canteen nitong station, nakita ko naman ang mga kasama kong umiinom ng kape. Nag papainit siguro sila ng tiyan lalo na't umaga ngayon.

Ikalawang araw na namin dito sa news station, hindi kami nakabalik agad dahil nasira ang makina ng sasakyan. Kaniya kaniya nga kaming diskarte pag gabi kung paano kami gagawa ng sarili namin higaan. Yung iba naglatag ng mga folder at kung ano ano pang mga papel. Yung iba naman sa mesa at yung iba natulog ng naka upo o di kaya'y nakaub-ob sa table.

"Coffee?" saakin ni Mac.

"Pakilagyan ng creamer" sagot ko naman sa kaniya. Hinalo na niya ang powdered coffee sa styro cup na may mainit na tubig at nilagyan ng creamer bago iniabot saakin. Inabutan niya din ako ng dalawang pack ng croissant para na din magkalaman ang tiyan ko. Sa dalawang araw naming pananatili dito, si Mac ang taga luto at taga asikaso sa grupo, at para namin siyang nanay kung mag alaga. Naalala ko yung unang araw namin mag obstacle course, siya yung nagturo kay Azure kung pano gumamot ng sugat.


"Anong oras na?" Tanong ko

"6 in the morning" Trevor replied

The heck? It's too early to wake up already. Napuyat ako kagabi dahil 'di ko alam kung paano ako matutulog.

DEAD LINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon