HIGHEST RANK: #1 in Survival
PLEASE TAKE NOTE THAT THIS STORY IS CURRENTLY UNDER MAJOR REVISION.
-----
Azie and her friends are just living their normal life until a dilemma has just began. Everything becomes a mess as virus X quickly spread through...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
KIRBY
Napaalimpungatan ako, naistorbo ang pagtulog ko dahil sa pag-uga ng kinahihigaan ko kaya naman binuksan ko na ang aking mata para makita ang dahilan. Inalala ko ang mga nangyari kanina lang, kaya naman agad kong kinapa ang pisnge ko sa kaliwa. May bandage ito na sakop hanggang mata, kaya pala hindi ko maibuka ang isa, dahil para rito. Nasa sasakyan parin ako, at kita ko mula sa bintana ng bus ang pag-andar nito.
"Gising kana pala," lumapit ang isang matandang nakasuot ng lab coat at may hawak na case. "Hindi pa tuluyang natanggal ang lason sa sugat mo, mabuti nalang at hindi agad kumalat iyon sa buo mong katawan, baka hindi kana makagalaw ngayon kapag nangyari 'yon."
Tiningnan ko lang siya, hindi ko siya kilala pero tingin ko siya ang gumamot saakin.
Binuksan niya ang case na hawak niya, akala ko baril ang laman nun pero mga graduated cylinders lang pala. Akala ko may papatay na naman saakin, eh!
"Inumin mo 'to, para gumaling kana ng tuluyan," inabot niya saakin ang isang maliit na tube, ,may blue liquid 'yon sa loob. Tinanggap ko naman at binuksan agad.
"Wala namang lason 'to, diba?" Tanong ko sa kaniya at ininom ang laman ng tube. Napangiwi naman ako dahil sa pait ng lasa. Gano'n ba talaga ang mga gamot?
"Kung may balak akong patayin ka, kanina pa sana kita binaril habang wala ka pang malay," narinig ko ang pagkasa niya ng baril at tinutok saakin. Napataas naman ako ng kamay kaya nabitawan ko ang walang laman na tube.
Tumawa ang matanda saakin kaya nagtaka ako. "Oh, baril mo," sabi niya at hinagis papunta saakin ang itim na bagay na iyon.
Taenang matanda 'to! Pinapakaba ako!
"Sino ka?" Tanong ko sa kaniya.
"Tanong mo sa lolo mo," sagot niya saakin habang inaayos ang mga tubes sa loob ng hawak niyang case.
"Ayos ka ah!" Hindi ko napigilang sagot sa kaniya, napakatino ng tanong ko tas sasagot siya ng patanga? Kung 'di lang siya matanda e.
"Ako ang susi ng kinabukasan," seryoso niyang sabi habang nakatingin saakin ng mata sa mata. Natakot naman ako sa tingin niyang iyon pero tumawa ulit siya. "Ang seryoso mo naman, Dodong. Binibiro lang kita, ako si Alvert."
Napalaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi kaya siya ang--
"Oo, ako ang kapatid ni Alvin Devaux. Nakakagulat ba?" Natatawa niyang sabi saakin. Kumuha siya ng lollipop sa bulsa niya at binuksan ito, "Gusto mo?" Alok niya saakin pero umiling nalang ako. Tumayo ako at ganon din siya.