A/N: Hello everyone! Before the weekend ends, let me post this chapter for y'all. Hope you'll enjoy reading this.
***
KIRBY
Ilang araw nang hindi nakakabalik sila Divi mula noong mahiwalay sila sa grupo. At ang mga araw na iyon, hindi ko maiwasang hindi mag-alala. Labis ang katangahan ng babaeng iyon at baka naman pinahamak na niya pati mga kasama niya.
And I swear, kakaltukan ko talaga ang ulo niya kapag nakita ko siya!
At dahil sa mga nangyari, nalimitahan na rin ang mga misyon na ibinibigay saamin. Ang kadalasan task na binibigay nila ay mga sisiw lang at hindi na kailangan pang lumabas ng harang. Wala man lang aksyon.
At ang makaka-punyeta pa, hindi ko alam kung gumagawa ba sila ng hakbang para hanapin sila!
Inis kong sinuntok ang salamin na nasa harap ko. Sa lakas ng suntok nabasag pa ito. Naramdaman ko pa ang mga munting bubog na nasa kamao ko.
Nyeta, ang sakit.
Napaalis ako sa harap ng salamin ng marinig na may kumakatok sa pintuan. Binuksan ko naman ito at nakitang may dalang laundry basket si Molly.
"Eto na nga pala yung mga damit mo, kasama na rin d'yan yung uniform mo."
"Salamat, Molls." Sabi ko ng matanggap ko ang mga damit. Isasara ko na sana ang pinto pero hinarang niya ang kalahati ng katawan niya sa pintuan.
"Teka lang, wala pa bang balita sa tatlo?" Sila Divi siguro ang tinutukoy niya. Umiling lang ako sa kaniya bilang sagot, siguro maging siya ay nag-aalala na rin sa tatlo. Bago siya umalis, pinaalala niyang ang grupo namin nila Trevor ang magro-ronda mamayang gabi para sa curfew.
Sinuot ko nalang ang uniform ko bago magtungo sa room ni Trevor.
Naabutan ko silang dalawa ni Ling na tutok sa laptop na nasa mesa. Ni hindi man lang nila napansin ang pagdating ko. At dahil sa inis ko, malakas kong sinara ang pinto.
"Punyeta, ano na? Ganito nalang ba tayo?" Inis kong tanong sa kaniya.
"Putcha ka, dre. 'Wag kang mag-inarte d'yan, may ginagawa kami," sagot saakin ni Trevor. Ang hayop, hindi man lang ako nilingon. Ano bang mayroon sa monitor na 'yan at parang nakadikit na ang mga tingin nila rito.
"Mas importante ba 'yan kesa sa paghahanap sa mga kasama natin, ha?" Naiinis parin ako. Hanggat hindi nakakabalik sila Divi dito, hinding-hindi ako kakalma.
"Pre, ni-report na natin 'yan sa Centro, diba?"
"Naknamputcha, may nangyari ba? Wala naman diba? Kung kumilos sila, matagal nang nakabalik yung tatlo dito!" Hindi ko na naligilan ang pagtaas ng boses ko. Isa 'yang Centro na 'yan, eh! Ano balewala nalang ba?
Napatingin ako ulit sa dalawa, wala paring pinagbago. Nakatutok parin sila sa screen ng monitor. Anong bang pinapanood nila? Rosas ba na pinapatong sa rocket? 'Nyeta, hindi ba nila magawang ipagbabukas 'yan?
Hindi na ako nakatiis, lumapit na ako sa dalawa at nakiusisa na rin sa kung anong mayroon sa screen. Video ang pinapanood nila, pero hindi iyon tungkol sa mga ahas na nagtutuklawaan, o mga bumberong nagdidilig ng sunog. Kundi isa iyong surveillance video sa loob ng Centro!
Siyam na hati ang nasa screen pahiwatig na mula ito sa siyam na anggulo sa loob ng Centro. Paano nila nagawa iyan? Ang alam ko, mataas ang security system ng Centro, bukod sa mga sundalo ang namamahala rito, doon rin napulunta ang mga magagaling.
"Paano niyo na-access ang security footage ng Centro?" Kitang-kita sa screen ang mga nangyayari sa loob at base sa time frame, live feed iyon.
"Gan'yan ang tinatawag na magic, pre," tumawa si Lingwen saakin, siguro siya ang may gawa nito.
"At ano namang pumasok sa utak mo at pinasok mo 'to? Lagot ka kay Commander." Pananakot ko sa kaniya, pero ang timang, tinawanan lang ako. Tukmol talaga.
"Hindi niya naman malalaman, eh. Bakit magsusumbong ka? Nababakla ka na ba, pre, ha?"
"Naghahanap kami ng paraan para makalabas. Hahanapin namin sila Azie." Biglang saad ni Trevor.
"Tangina, bat 'di n'yo ako sinabihan? Akala ko ba tropa tayo, ha?" Nakakainis, gumagawa naman pala sila ng hakbang pero ba't hindi sila nagsasabi?
"Hindi ko alam kung alam mo na 'to, pero may traydor sa team natin." Seryosong saad ni Ling. "Ang Black Org,"
Nagulat naman ako sa sinabi niya, pati ba naman ngayon na crisis na, nay mga gan'yan parin? Anong kabobohan 'to?
"Diba kasali sila Nika at Ryu sa sinasabi mong Black Org?" Tanong ko.
"Sila pa lang ang alam kong miyembro, pero tingin ko, mayroon pang iba. Kaya hindi naman sinabi sayo ang plano namin, hindi dahil wala kaming tiwala sayo, sadyang marami lang traydor sa paligid." Sagot niya saakin.
Pinag-usapan namin ang plano ng maigi, kung paano kami pupuslit na lumabas. Delikado 'tong gagawin namin lalo na kapag nahuli kami, yari talaga kami kay Colonel nito. Saktuhan lang talaga na kaming tatlo ang nakatokang rumonda mamayang gabi sa buong Chateau, maisasagaw namin ang plano ng maayos.
Oras na para rumonda kami. Nasa weapon room na kaming tatlo ngayon, nag-a-assemble ng baril. Hindi naman talaga kailangan ng armas, eh, tamang batuta at flashlight lang susunod na rin naman agad ang mga tao dito, lalo na kapag nakita ang nakaburda sa uniform namin. Pero dahil nga may plano kaming tatlo, magpupuslit talaga kami ng armas. Hindi naman magiging kahina-hinala kapag may baril kami, dahil nga Icosagon kami. Malulupet ata 'to!
Kaniya-kaniya na kami ng sakay sa retro bike at pinaharurot iyon paalis ng HQ.
Rumonda muna kami saglit dahil maaga pa naman, bandang alas dos kami kikilos dahil paniguradong wala nang makakakita pa.
Bandang alas dose y media, pumunta na kami sa main gate. May nagbabantay doon pero sinabihan namin na kami ang papalit. Pumayag naman sila siguro gusto na nilang magpahinga, dala na rin ng pagod.
Pumatak ang alas dos, nagsimula na kami. Tulong-tulong kaming tatlo na pihitin ang pabilog na lock ng gate. Malaki ang gate kaya naman walang dudq na malaki rin ang pangsara.
Inabot din kami ng ilang minuto bago namin marinig ang tunog ng paggalaw ng semento. Unti-unti nang nahati sa gitna ang pader at nakikita na namin ang labas. Wala na kaming hinintay pa at agad na lumabas.
Pero hindi pa man kami nakakalayo, may nagtapat na ng flashlight sa likiran namin.
"At saan naman kayo pupunta?"
At dahil nga nakatalikod kami, tanging anino lang namin ang nakikita naming tatlo sa lupa. Dahan-dahan kaming pumihit para makita ang nagsalita. Nasilaw naman ako ng itapat niya sa mukha ko ang ilaw.
"Akala niyo makakaalis kayo?"
Punyeta.
//
My update is kinda short, sorry for that haha. Bawi ako soon, babies! Answer your modules well♡
- Alexaaa
BINABASA MO ANG
DEAD LINE
HorrorHIGHEST RANK: #1 in Survival PLEASE TAKE NOTE THAT THIS STORY IS CURRENTLY UNDER MAJOR REVISION. ----- Azie and her friends are just living their normal life until a dilemma has just began. Everything becomes a mess as virus X quickly spread through...