A/N: This chapter is not yet edited, many errors will be present ahead. Happy reading!
***
AZURENITA
Hindi na ako nakatulog ng dahil sa nangyari kagabi. Hindi ako mapakali at panay ang palit ko ng posisyon ng pagkakahiga. Dilat na dilat parin ang mga mata ko, hanggang sa tumunog ang alarm clock sa bed side table. Hindi na ako nag-atubiling patayin pa iyon. Masyado akong madaming iniisip.
Sana mali ako ng akala. Sana hindi siya ang taong iyon.
Ayan ang paulit ulit na umiikot sa utak ko.
"Ano ba yan, Az. Nakakarindi yung alarm hindi ko man lang pinatay"
Saka lang ako natauhan dahil sa boses ni Azie. Inabot ng kamay ko ang alarm clock at pinatay na.
Unti unti na ding sumisilip ang sinag ng araw mula sa bintana. Oras na para kumilos. Naunang naligo si Azie saakin, habang ako naman ay nagligpit ng pinaghigaan.
Kinapa ko naman ang bulsa ng short ko, andoon pa naman ang flash drive. Sa'n ba pwede itago to? Yung hindi mahahanap ng ibang tao.
Tinago ko ulit iyon sa aking bulsa ng lumabas na si Azie. Pumasok naman ako sa cr para maligo. Pinihit ko na ang shower at unti unti ko ng naramdaman ang malamig na tubig. Pero hindi ko iyon alintana.
Hanggang makalabas kami ng room, wala parin ako sa sarili ko.
Sino ang boss nila?
Bakit niya gustong makuha ang laptop?
Hindi ko maintindihan, bullshit!
"Huy! Okay ka lang ba?"
"H-ha?"
"Hakdog! Kung okay ka lang ba kamo?" Pag-uulit ni Azie sa sinasabi niya.
"Oo naman. Bat naman hindi?"
"Simula kanina kasi tulala ka. Nag-drugs ka kagabi 'no? Kaya matagal ka natulog" Azie
Automatic namang napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
At saan niya naman napulot ang idea na yon,aber?
Ako nagd-drugs? Fuck that shit!"Joke lang,tanga"
At ako pa na-tanga?
"Halika na nga, andun na sila sa table oh!"
Hinila naman niya agad ang braso ko papunta sa table 7. Andoon na ang iba kaya naman naupo na din kami. Maya maya pa ay pinamigay na ang mga plates and utensils, kaya naman pumila na kami.
"Wow! May bacon oh!" Luke
Igno ampotek
Pagbalik namin sa table ay nagdasal na kami. Matapos non, syempre chibugan.
BINABASA MO ANG
DEAD LINE
HorrorHIGHEST RANK: #1 in Survival PLEASE TAKE NOTE THAT THIS STORY IS CURRENTLY UNDER MAJOR REVISION. ----- Azie and her friends are just living their normal life until a dilemma has just began. Everything becomes a mess as virus X quickly spread through...