14- Training

381 14 6
                                    

A/N: Good day babies! How's the previous chapter? Here's the update for today! Pagpasensyahan na kung NAPAKADAMING ERRORS, mapa-grammatical or typographical, isama na natin si wrong spelling haha. So here it is na! Enjoy!!

***

DIVI MARIE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DIVI MARIE

Days passed, pero wala parin akong kasiguraduhan kung sino ba talaga si Molly at kung nasaan siya. Nasabi ko lang na parents niya si Sir Manuel since siya ang katabi nito doon sa graduation pic.

Ilang araw na din pero ganoon parin ang ikot ng buhay dito sa classic kubo ni Sir. Gigising ng maaga para maghanda ng almusal, kakain, maghuhugas ng plato, maliligo, maglilinis, tatambay sa library, kakain ulit, papalipas oras sa pool, matutulog, magsasaing na naman, kakain again, tapos matutulog. Pagkakinabukasan ganoon parin. Siyam na araw paulit ulit lang ang ginagawa ko dito. Halos makabisado ko na nga ang mga pwesto ng furnitures dito sa bahay. Kaya naman, isa lang ang masasabi ko.. NAKAKABAGOT.

Pero pakiramdam ko, today will be different. Kanina pa busy si Sir Manuel sa labas, hawak hawak niya ang isang radio habang nakalatag naman sa mesang nasa harapan niya ang ibat-ibang patalim. Mula sa pinakamaliit na dart, hanggang sa pinakamahabang spear.

Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa iyon, nandito kami sa may pool area at nakaupo naman ako sa isa sa mga bench habang nakatingin sa kaniya.

Pinupunasan niya ang bawat edge ng mga patalim. Sobrang kintab ng mga ito, na kahit sarili mong reflection ay makikita mo mismo doon. Sobrang pag-iingat ang ginagawa ni Sir Manuel, na para bang ayaw niya magkamali ng lagay. Kung sabagay, kahit konting maling sagi mo lang.. masusugatan kana.

"Sir! Saan 'to ipupuwesto?"

Napalingon ako kay Kirby na siyang nagsalita. May dala siyang apat na plywood, at bawat plywood ay may drawing na limang circles, malaki papaliit. Ang bawat circle ay may color, green ang first, then blue, yellow, orange and lastly-red. May stand din ito sa likod para makatayo ng ayos kahit walang nakahawak.

"Doon mo ilagay sa kabilang side ng pool"

Pumunta agad si Kirby sa kabilang side ng pool, which is salungat sa pwesto ni Sir Manuel. Buti nalang at nasa length side ako at nakikita ko sila. Hindi naman kalayuan ang space mula kay Sir at sa mga plywood, since mini pool lang naman ang nandoon.

"Kayong dalawa, pumunta kayo dito"

Tumayo agad ako at lumapit kay Sir Manuel. Nakita ko na sa wakas ang mga patalim na nandoon sa table ng malapitan. Sa tingin palang alam mo ng matalas ang mga ito. Konting maling hawak mo lang sa isa sa mga 'yon, tiyak na dugo ang papatak mula sayo.

"Alam kong bored na kayo. Kaya naman ituturo ko sa inyo ang mga alam ko. Tingin ko naman ay magagamit niyo ang mga ito" sabi pa ni Sir Manuel.

DEAD LINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon