27- Alive?

164 7 2
                                    

A/N: Tinatamad ako mag-note haha. Enjoy reading po!

***

AZURENITA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AZURENITA


Maaga akong gumising ngayon para mag-jogging. Naabutan ko si Beige na kakalabas lang ng cr at basa ang buhok. Wow! Did she just take a bath this early?

"Good morning, Azure!" bati niya saakin. Ngiti lang ang naging sagot ko sa kaniya dahil kakagising ko lang. Hindi pa ako nakakapag-toothbrush at nakakahiya naman kung maamoy niya ang hininga ko.

"Nagluto na nga pala ako ng almusal. Kain kana." sabi niya saakin. Tumango lang ako sa kaniya at dumiretso papasok ng cr. Oh, am I rude? Nahihiya lang talaga akong magsalita ngayon dahil kakabangon ko lang. I bet may muta pa sa mga mata ko.

Tatlong cubicle ang nandito at pumasok ako sa pinakauna. Binuksan ko ang tubig ng shower para makaligo na. After that, nagbihis na ako. Just a plain orange shirt matched with shorts and running shoes.

Bumaba na ako at naabutang kumakain na sina Beige at Azie. Ngumiti naman ako sa kanila ng mapansin nilang may pumasok sa kusina. "Good morning" bati ko, sabay umupo sa isang upuan na nandoon. The table is long with enough chairs para saaming lahat.

"Luto mo?" tanong ko kay Beige habang nakaturo sa pagkain. Na-shock naman siya pero agad ding nakabawi.

"Akala ko hindi mo talaga ako kakausapin. Yep, ako nagluto niyan" sagot niya saakin.

"Oh, haha. Sorry about that, kakagising ko lang, e" I answered her. Well, 'di ko siya masisisi. Kahit naman siguro sa ibang tao, kung gano'n ang gagawin, medyo mao-offend talaga.

Nagsimula na akong kumain at pagkatapos nag-brush ulit ako ng ngipin. Lumabas ako ng bahay at sumalubong saakin ang napakalamig na hangin. Maaga pa naman talaga kaya dama mo ang hamog sa paligid. May kalayuan sa mga kabahayan ang headquarters namin dahil malapit ito sa taniman ng mga gulay. Bilang lang din sa daliri ang mga nakikita kong nagdidilig ngayong umaga.

Nagsimula na akong tumakbo ng dahan-dahan palayo sa headquarters namin. Ang direksyon ko ay papunta sa Casa de Timog dahil iyon ang pinakamalayo mula dito. At tatakbo ako pabalik ulit dito para makompleto ang jogging na 'to.

Napadaan ako sa Centauro at bukas na bukas ito. Ito ang nagsisilbing ospital dito sa loob ng harang kaya naman talagang 24 hours bukas ito. Bigla kong naalala si Peter, kaya naman nagdesisyon akong pumasok sa loob. Napadaan ako sa isang vending machine, kaya naman nagkape na rin ako.

Dumiretso na ako sa opisina ni Peter, pero pagbukas ko ng pinto, wala na siya doon. Naiwan pang nakabukas ang laptop niya. Napansin ko rin ang flash drive na nakasaksak. Ito yung flash drive na binigay ko sa kaniya. Nandito yung mahalagang bagay na kailangan namin. Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko at pinakialaman na ang nakabukas na laptop ni Peter.

DEAD LINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon