23- Reunited

194 9 2
                                    

A/N: This chapter is not edited, so expect errors ahead. Enjoy reading everyone! Don't forget to click vote.

***

AZURENITA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AZURENITA


"Hiyaaaah!" malakas kong hinampas sa opponent ko ang wooden sword na hawak ko. Pero mabilis niyang sinangga iyon. Sinipa niya ang tuhod ko kaya naman nawala ako sa balanse. Hahampasin na sana niya ako wooden sword niya pero katulad niya, mabilis kong nasangga iyon. Malakas siya kahit na babae siya, kaya naman nahihirapan ding akong makatayo agad.

Nakarinig kami ng pito mula sa cadet namin kaya naman natigil ang pagsasanay. Tinulungan akong makatayo ng opponent ko at ngumiti naman siya. Siya si Abby, mula sa casa de kanluran. Pinagsama-sama ang lahat ng mga estudyante mula sa iba't ibang casa para sa last training namin. May overall ranking kasi na magaganap bukas at halos lahat ng estudyante ay gustong mapasama sa Icosagon.

Icosagon ang tawag sa first twenty students sa ranking. Rumors spread na kung sino mang makakasali doon ay may chance na makapasok sa centro. Hindi pa naman alam kung totoo iyon.

Kung iniisip mong binubuo lang ng mga malalakas na kabataan ang nasa Icosagon, nagkakamali ka. Dahil sinusukat din dito ang talino mo at abilidad. Pinag-usapan ito ng mga official cadets para maging patas daw sa lahat ang magiging ranking.

"Pila na tayo do'n?" yaya saakin ni Abby, pero nginitian ko nalang siya at sinabing susunod ako. Malakas si Abby, pero hindi iyon halata sa kaniya hangga't hindi mo siya nagiging opponent. Hindi mo iyon masasabi kung titingnan mo lang siya, dahil ang totoo, bahagyang mas matangkad ako sa kaniya. Pero sabi nga nila, don't judge the book by its cover.

Hinanap ko muna sila Azie bago kami pumila sa ika-pitong hanay. Napakarami naming nandito dahil lahat ng estudyante sa iba't ibang casa ay tinipon dito malapit sa centro. Nasa unahan lahat ng cadets, maging si Commander Wade na siyang mag-aanunsyo ng magaganap na ranking bukas.

"Good day, everyone. Tomorrow will be a big day, prepare yourselves for the ultimate challenge. It is mandatory for all of you to join, absentees will receive punishments" sigaw niya saamin. Hindi ko alam kung wala ba kaming mic, kaya soya sumisigaw. Masakit kasi iyon sa lalamunan lalo na't bigay todo siya. Pero tingin ko naman, sanayan lang 'yan. Sa laki ng katawan niya, of course wala lang sa kaniya 'yon.

Pinaliwanag niya pa ang mga kung paano magaanap ang rankings at kung sino-sino ang magkakalaban. Every two months daw gaganapin iyon para malaman kung may improvements saamin. Inaasahan ko nang magiging nakakapagod iyon, lalo na kung kasali ka sa Icosagon, you have to defend your ranking kung may gusto mang umagaw sayo no'n. And also, if gusto mong tumaas, better improve yourself.

After the announcement of Commander Wade, nagpatuloy na ang training namin. Well, it's between our casa and the Casa de Silangan. Lalaki ang kalaban ko, at hand to hand combat ang magaganap. May ginawang bilog ang mga cadet at kung sino daw ang makakalabas sa bilog na iyon, siya ang talo.

DEAD LINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon