***
KIRBY
SOBRANG kaba talaga ang naramdaman ko nung hindi ko kasama si Dividiv. Dahil kapag may nangyaring masama diyan, sisisihin ko talaga ang sarili ko. Kaya naman lubos din ang ginhawang naramdaman ko dahil andito na siya. At least ngayon, masasabi kong safe siya dahil andito naman ako.
Andito parin kami sa bahay ni Col. Ezperanza at kasalukuyang kumakain. Hindi ko parin maibigay ang buong tiwala ko sa kaniya kahit pa niligtas niya ako. Mahirap na.. lalo na kung kalaban siya. Still, I'm on my guard.
"Kamusta ang pakiramdam mo?"
Napatingin naman ako sa colonel. At mukhang ako nga ang kausap niya dahil saakin siya nakatingin.
"Medyo maayos na, hindi na masakit ang batok ko"
"Hindi na talaga sasakit yan dahil kahapon kapa tulog. Ewan ko ba kung bat ang haba ng tulog mo.. pagod ka siguro"
A-ano? Kahapon pa ako tulog? Potek na yan.
"Ganon po talaga Sir. Mahina po kasi ang resistensya niyang si Kirby"
Sinamaan ko ng tingin si Dividiv dahil sa sinabi niya. Ako? Mahina resistensya? Upakan ko siya eh!
Nagpatuloy kami sa pagkain at pinakiramdaman ang paligid. Kaya naman itinuon ko din ang atensyon ko sa isdang nasa plato ko ngayon. Lubos ko ring naisip, swerte parin ako at itong mamang ito ang nakakita saakin. Dahil kung ibang tao pa iyon.. hindi kasiguraduhan ang kaligtasan ko..
"Saan nga pala kayo galing at napunta kayo dito sa gubat? Ang bahay na ito ay nasa pinakagitna kaya naman hindi basta bastang natutunton" nagsalita si Manuel. Nagkatinginan pa kami ni Dividiv, nag uusap ang mga mata namin kung magsasabi kami ng totoo o hindi.
"Base sa mga damit niyo, taga bayan kayo.. katulad ko"
Ano? Taga bayan din siya?
"The truth is.. nag aaral ho kami sa Le Viour University. Nasa paaralan din po kami no'ng mangyari ang kaguluhan at isa kami sa mga nakaligtas doon" sagot ni Dividiv
"Napakalayo ng paaralan niyo.. paanong napunta kayo dito?"
"Eh kasi po--"
"EH KASI PO MAGTATANAN KAMI!" naputol ang sinasabi ni Dividiv ng biglaang pagsabat ko.
Napatingin ako sa kaniya at nanlaki ang mata niya sa gulat. Kahit ako ay hindi din makapaniwala sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
DEAD LINE
HorrorHIGHEST RANK: #1 in Survival PLEASE TAKE NOTE THAT THIS STORY IS CURRENTLY UNDER MAJOR REVISION. ----- Azie and her friends are just living their normal life until a dilemma has just began. Everything becomes a mess as virus X quickly spread through...