***AZIE LOKAI
Pagdating namin sa department store hindi maitsura ito. Nagkalat lahat ng mga display doon. Ang mga tao ay nag-aagawan. Sino ba naman kasi ang hindi magpapanic kung ganito ang sitwasyon? Ang iba ay nakakasakitan na.
Pero hindi kami pumunta doon para panuorin silang nagkakagulo. Kaya naman kung anong makita kong malapit sakin ay nilalagay ko agad sa cart ko. Ganoon din si Trev.
"Maghiwalay tayo para mas mabilis. Kung ilang cart ang kaya nating punuin, gawin natin." Sabi ko sa kaniya.
"Sige, dito tayo magkikita ulit pag aalis na tayo." Sagot niya.
"Ummn." Sabi ko sa kanya sabay tango. Aalis na sana ako ng hawakan niya ang braso ko. Tiningnan ko naman siya ng may pagtataka.
"Mag-ingat ka." Sabi niya pa. Medyo nailang naman ako sa sinabi niya kasi nakahawak pa siya sakin.
"A-ah, ikaw d-din." Ganti ko naman sa kaniya saka ako nagpatuloy sa pag-alis. Agad akong pumunta sa mga pasilyo ng mga de lata. Kaso nagkakaubusan na din. Dito siguro talaga unang pupunta ang isang tao kapag nagpa-panic buying. Kaso hindi to matatawag na panic buying kasi wala namang bayad. Hindi na masyadong marami ang mga de lata na nandito kaya naman sumali na akong makipag-agawan sa mga tao. Agad kong inilagay ang mga naabot ng kamay ko sa cart, pinulot ko na din ang iba kasi nagkalat ito sa sahig.
Pupunta na sana ako sa kabilang pasilyo ng mapansin ko ang isang matandang babae. Dahan dahan siyang namumulot ng mga tira sa sahig. Paliko na siya sa pasilyo ng mga de lata pero galing ako doon at nagkakaubusan na. Ang mga tao ay nagkakasakitan na din kaya naman kung pupunta pa si lola do'n, baka masaktan lang siya.
Lumapit ako sa kaniya at nilipat ang mga de lata na nasa cart ko papunta sa dala niyang cart. Tumingin ito saakin.
"Mas kailangan niyo po ito, Lola." Ngitian ko ito ay bahagya naman siyang naluha.
"Napakabait mo, apo. Pagpalain ka ng Panginoon." Tugon niya saakin. Lumakad na ito at pinagmasdan ko muna siya bago ako magpatuloy. Sa sitwasyon talaga na ganito, nakakalimutan natin kung sino ang mas nangangailangan. Mas naiisip natin ang sarili natin at nakakalimutan ang kapwa.
Nagpatuloy na ako sa pagkuha ng mga pagkain. Pagliko ko sa pasilyo ng mga noodle ay nakita kong nag-aagawan ang dalawang babae sa nag-iisang 1 kilo pack ng spaghetti noodles. Parehas silang ayaw magpatalo.
"Akin 'to! Ako ang unang nakakita nito!"
"Hindi! Akin 'to kasi ako ang unang nakahawak!"
Hinila ng babae ang buhok ng kaagaw niya, gumanti naman ang isa at naghilaan na sila ng buhok. Napansin kong may swiss knife ang isang babae sa bewang nito. Kinuha niya ito sa sinaksak sa kaaway niya. Napabitaw ang babae sa kaniyang buhok. Hinila niya ang kutsilyo at napahawak naman ang isang babae kung saan siya nasaksak.
BINABASA MO ANG
DEAD LINE
HorrorHIGHEST RANK: #1 in Survival PLEASE TAKE NOTE THAT THIS STORY IS CURRENTLY UNDER MAJOR REVISION. ----- Azie and her friends are just living their normal life until a dilemma has just began. Everything becomes a mess as virus X quickly spread through...