39 - Trapped Hopes

172 6 0
                                    

*** AZIE LOKAI

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***
AZIE LOKAI

Akala ko katapusan ko na. After the explosion, my whole body felt numb for a couple of seconds. I can't event move a single finger and all I can hear is plain silence. It creeps me out.

Ngunit mataposang ilang segundo, unti-untinang nakakarqmdqm ng hapdi angmalaking bahagi ng aking likuran. As in sobrang hapdi.

Kasabay ng pagmukat ng mga mata ang dahan-dahang paggapang sa kung saang direksyon. Mahihina ang daing ko na para bang ako lang ang nakakarinig.

Nangungulap pa ang aking mata at ang tanging naaaninag lamang ay purong puti. Hindi ko rin maibuka ng maayos ang kanang mata dahil sa pananakit. Tinginko nakuha ko ang mga ito dahil sa pagsabog na anaganap kanina lamang.

Nakakaramdam na ng lamig at kirot ang likod ko. Siguro ito ang napuruhan sa akin.

"A-azie." Unti-unti kong inangat ang tingin sa taoang nagsalita sa 'di kalayuan. "Azie!"

Paulit-ulit niyang sinisigaw ang pangalan ko sa malakas na paraan. Halos maputol na nga ang mga litid niya kakabanggit ng pangalan ko.

Lumapit ito at lumuhod para kahit papaano ay magkapantay kami. Humihikbi siya na at tumutulo nang direkta sa mukha ko ang maalat niyang mga luha. Kadiri.

Tinulungan niya akaong makaangat, biglang kumati ang lalamunan ko kaya naman ako napaubo. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita. May halong dugo na ang plemang nailuwa ko. Hindi ako sigurado kung plema ba igon dqhil purong pula ang nakikita ko. Mamamatay na ba ako?

Nakailang ulit ako sa pag-ubo dahil sa kati ng lalamunan. Habang nakaalalay naman sa akin si Azure.
Hinagod niya ang likod ko gamit ang kaniyang kamay at dahil doon napahiyaw ako. Hindi dahil sa tuwa kun'di dahil sa sakit .

Agad naman siyang humingi ng tawad nang mapagtanto niyang napuruhan ang likod ko. Bopols.
Matapos niyang lagyan ng pinunit na tela ang likod ko, sinubukan kong abutin ang balikat niya. Pinantay ko sa kaniyang tenga ang aking mga labi upang magsambit, hindi ng panalangin, kun'di mga salitang gusto kong bitawan kanina pa.

"A-azure," mahigpit ang pagkakakapit ko sa kaniya bilang suporta sa aking katawan. Nanatiling pabulong ang boses ko dahil sa panghihina pero tingin ko kaya ko pa namang magsalita. "P-putang ina mo."

Bahagyang umangat ang mga balikat niya, tanda ng pagkagulat dahil sa biglaan kong pagmumura. "Ba't mo 'ko iniwan, a-alam mo namang b-bano ako tumakbo."

Sa wakas nasabi ko rin.

Kanina ko pa gustong sampigain ang bunbunan niya. Kala niya ba hindi ko nakita ang pagtakbo niya palayo? Isang taksil!

Tinulungan niya akong makatayo at inakbayan para makausad kami. "Kailangan natin ituloy ang sadya natin."

Pinunasan niya ang mga luha na naiwan sa kaniyang pisge, sininghot ang sipon at naging seryoso ang mukha. Niyukom ko ang kamao ko at kinagat ang dila. Ang sakit kapag nadadali ng tela ang lapos kong likod.

DEAD LINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon