A/N: It's been a long time babies! Tinamaan kasi ng katamaran ayan tuloy. Celebrating din kasi na-move ang klase. Whoot whoot public school here. Hahaha anyway, here's the update. Enjoy reading babies!
***
DIVI MARIE
Nanginginig ang buong katawan ko, dala na rin ng takot at panlalamig. Manipis lang ang tela ma suot ko kaya naman tumatagos ang malamig na hangin sa aking balat. I never had a chance to change my clothes since binulabog nila ang beauty sleep ko. Kahit nga pagt-toothbrush hindi ko nagawa. Damn this soldiers.Kanina pa kami naglalakad at nas-sense kong palabas kami ng gubat. Hindi naman maging mahirap dahil may flashlights namang nakakabit sa baril nila. That's why nakikita namin ang daan.
Nakahawak pang ako sa dalawa kong braso because malamig nga. Nagulat nalang ako ng maramdaman ko ang pag-akbay saakin ni Kirby. Napahawak din ako sa kamay niya dahil napakahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Nando'n pa naman ang sugat kong nakalimutan kong gamutin. Okay fine, hindi ko ginamot dahil mahapdi ang alcohol kaya tinalian ko nalang.
Nakapalibot ang mga sundalo saamin, habang nangunguna naman sa paglalakad si Commander El Morato. Natatakot siguro silang baka namin sila matakasan. Like duh? Sa dami nila? And may mga armas pa. I rather walk with them than to end my life. I'm sure naman kasi papaputukan nila kami once na may tumakbo saamin.
Nakalabas na kami ng gubat at nandito kami sa palayan. The thing is, the field is dry. Walang ibang tumutubo dito kundi mga famong ligaw. Sabagay, sino namang magtatanim kung wala ng mga magsasaka. I used to see rice fields as green. Tapos magiging golden brown na kapag it's time to harvest. Madalas akong sinasama ni Daddy dati sa farm. Tapos dahil makulit ako, magtatatakbo ako sa palayan. Kahit na maputik sasali ako sa kanila. Makikitanim din kahit hindi ako marunong. Tapos sisigaw ako kapag nadikitan ng linta. I suddenly smiled when I remember my childhood memories. Nakakamiss.
Nahinto ang pag-iisip ko ng makarinig ako ng tunog sa himpapawid. Napatingala ako at may pumapagaspas nga sa hangin. Dalawang helicopter ang papunta sa direksyon namin ngayon. Well, it's not the usual helicopter that I saw many times. This one is big. It has two rotor blades at napakalakas ng tunog niya.
Kinalabit ko si Uncle at tinanong ko siya kung anong helicopter iyon.
"It's a Boeing CH-47 Chinook Helicopter. It is usually used for humanitarian disaster-relief operations. Also used for missions such as transportation of supplies and mass evacuation for refugees." he answered me."It's big. I wonder how it looks like inside."
"It's big enough for 33 to 44 troops or 24 litters plus two medical attendants. I bet it's spacious inside" singit ni Kirby.
"Hey, how did you know that?" I asked him.
"Well, perks of being a gamer, I guess?" he answered. Hinawakan niya ang kamay ko dahil papalapag na ang dalawang chinooks. Napapahawak nalang din ako sa buhok ko dahil tinatangay iyon ng hangin.
BINABASA MO ANG
DEAD LINE
HorrorHIGHEST RANK: #1 in Survival PLEASE TAKE NOTE THAT THIS STORY IS CURRENTLY UNDER MAJOR REVISION. ----- Azie and her friends are just living their normal life until a dilemma has just began. Everything becomes a mess as virus X quickly spread through...