A/N: Please bear with the errors, I know there's so much of them. By the way here's the update. Enjoy reading babies! Hit vote and comment your thoughts too <3***
TREVOR ANDREW
"Kung mahuhulog ba ako, sasaluhin mo ako?"
Napatingin ako sa mga mata ni Azie, bakas sa mukha niya ang pagtataka. Sana naman ay sagutin niya ng maayos ang tanong ko. Ilang araw ko din 'tong pinag-isipan at putcha.. sigurado na ako ngayon.
"Hindi"
A-ano?
"H-ha? Bakit naman?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya.
"Kasi siyempre andito ako sa taas. Hindi naman ako agad agad makakababa non para saluhin ka, diba? Ano tingin mo saakin? Si Flash?"
Dafuq?
Napanganga naman ako sa sagot niya. Hindi niya pala naintindihan yung pinupunto ko. Jusko naman Trevor, ano bang nangyayari sayo.
"Ahh, hahaha. Oo nga" kunwaring tawa ko nalang.
"Ikaw talaga Trevor, kung ano ano naiisip mo hahaha"
Hindi niya nga na-gets.
Humiga nalang ako at napapikit. Alam niya ba kung anong hiniling ko? Na sana ay andito parin ako sa tabi niya, habang tinutupad niya lahat ng gusto niya.
Maya maya pa ay naramdaman kong humiga din si Azie. Iminulat ko ang aking mga mata at pinagmasdan ang langit.
"Tingin mo, kung hindi nangyari to, ano kayang ginagawa natin?" Napalingon ako sa kaniya at nakita kong sa langit parin ang tingin niya, nakangiti pa.
"Tingin ko, nagre-review na tayo para sa Quarterly Exam. Hahaha" sagot ko sa kaniya.
At kung hindi 'to nangyari, hindi mo ako makikilala.
Nakakatawa lang isipin na kilala ko siya noon pa, pero siya hindi. Minsan na kaming nagkasama sa Youth Camp noon at naging magpartner sa promenade. Pero tingin ko, hindi niya ako namumukhaan.
"Oo nga, patayang review na naman yung si Ma'am Abante saamin. Tapos yung mga hindi matapos tapos na project at activity ni Miss Gonzales. Jusko, nakaka-stress 'yon" pag-kukwento niya pa.
"Ikaw Trev, tingin mo anong ginagawa mo ngayon?" Bahagya pa akong nag-isip bago sumagot.
"Siguro, nagpapractice ako lagi ng basketball"
"Bakit gusto mong sumali sa basketball team ng university?" Azie
"Oo, actually si Kirby ang nag-aya sakin nun eh. Ang pagkakaalam ko nga varsity siya ng school, kaya naman kalahati lang ang binabayaran niyang tuition"
BINABASA MO ANG
DEAD LINE
HorrorHIGHEST RANK: #1 in Survival PLEASE TAKE NOTE THAT THIS STORY IS CURRENTLY UNDER MAJOR REVISION. ----- Azie and her friends are just living their normal life until a dilemma has just began. Everything becomes a mess as virus X quickly spread through...