***
AZIE LOKAI
"Faster! Napakabagal mo! Maaabutan ka niyan!" Sigaw saakin. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko at agad na nang makita ko ang net ay agad akong dumapa at gumapang sa putikan.Fuck! Kadiri naman.
Sumabit pa ang buhok ko kaya naman natagalan ako doon.
*Prrrrrrttttt*
"Gapang bilis! Kung gusto mo mabuhay, tanggalin mo 'yang kaartehan sa katawan mo. Hindi ka naman maganda!"
Naririndi na talaga ako sa sigaw at sa pito ni Trev kaya naman dali dali akong gumapang para matapos agad.
Nag-proceed na ako sa next obstacle which is aakyat ka ng wall gamit yung lubid doon.
Hinawakan ko yung lubid at tinali sa bewang ko ng maigi, hindi sobrang higpit at hindi sobrang luwang. Humawak naman ako dito at nagsimulang itapak ang mga paa ko sa pader.
Dahan dahan ang mga hakbang hanggang sa nasanay sa bigat at naging madali nalang para saakin. Ito na ang last obstacle kaya dapat matapos ko ito ng mabilis.
Nang makarating ako sa taas ay saka na ako nagpadausdos pababa sa tulong ng net na nandoon. Nakita ko naman si Trev kasama ang iba na napakadumi din. Hinihingal akong tumakbo sa kanila dahil sa pagod.
"Water?" Nakangiting alok saakin ni Kirby. Hinablot ko iyon sa kaniya at agad na ininom.
"Wow, 13 minutes and 53 seconds! New record Azie, congratulations."
Nakangiting bati sakin ni Trev.Kung nagtataka kayo kung ano ang nangyayari, well morning routine lang naman namin ito.
Nandito kami sa bakuran ng bahay at nagset up ng obstacle course ang mga boys para naman daw ma-excercise ang mga katawan namin.
Well, not bad naman kasi dahil na din dito tumaas ang endurance ko,hindi na ako madaling hingalin sa pagtakbo. Tas mas nagkakalakas na ang muscle ko sa katawan hindi tulad nung una, lampayatot.
It's been a week na din simula nung makarating kami dito.
Naging okay naman ang lahat dahil hindi pa naman umabot dito ang kumakalat na sakit. Kaya hindi pa kami namo-morblema. Pero hindi naman puwedeng habang buhay kaming magtatago, diba?
"That's all for today, everyone! Clean yourselves up. At dahil si Divi ang pinakamatagal natapos, as a punishment siya ang maghuhugas ng pinggan." Trev.
Hindi naman makareklamo si Divi dahil iyon naman ang napag-usapan naming lahat. Actually nung first day namin ako ang naghugas buong araw. Ilang sugat at pasa din ang nakuha ko n'on na iniiyakan ko gabi gabi pag ginagamot ni Azure.
BINABASA MO ANG
DEAD LINE
HorrorHIGHEST RANK: #1 in Survival PLEASE TAKE NOTE THAT THIS STORY IS CURRENTLY UNDER MAJOR REVISION. ----- Azie and her friends are just living their normal life until a dilemma has just began. Everything becomes a mess as virus X quickly spread through...