College Arc XXI: Crush
First crush
How is it for everyone? What was it like? Who was it?
Hindi ko maikumpara ang sa akin mula sa kanila sapagkat wala namang ikukumpara. I never had a crush on anyone. I never even thought about it. Para sa akin ay kuntento na ako sa aking pamilya. Ang aking atensyon ay nababaling lamang sa mga pinagkaka-abalahan noon. Kaya nama'y hindi na ako nagkaroon ng oras upang makapamili ng magugustuhan.
Ang tanging interaksyon na aking natanggap sa mundong iyon ay ang patuloy na pagsabi nila na marami ang nahuhumalig at nagkakagusto sa akin. Isang bagay na hindi ko lubusang matanggap sapagkat sa tuwing pinag-iisipan ko ang probabilidad na magkagusto sa akin lahat ng lalaking nakakasalamuha ay naipapakita sa akin ng mga numero kung gaano iyon ka-imposible sa totoong buhay.
Ang mga tanong patungkol sa aking unang nagustuhan ay hanggang ngayon hindi pa rin naisasagot at nabibigyang deskripsyon.
Akala ko'y wala na akong ikakasaya pa sa araw na iyon. Ngunit tila may nakikinig sa aking hiling, kaya nama'y pinatagal pa ang gabing puno ng mahika para sa aming dalawa.
We were walking down the alley of Italy when he asked me about it.
"Hira. . ." He called out, a little embarrassed. "Were you serious about what you said?"
"Alin?"
"In the bathtub." Bulong nito. "About. . . marrying me. . ." He cleared his throat.
"Oh. . ." Right. "Ano sa tingin mo?"
"I don't know." Nagbuntong hininga ito at sumulyap sa akin sa gilid ng kaniyang mata. "I hope so." Mahinang saad niya.
Bahagya akong napahalakhak.
Inisip ko ang sinabi ko sa kaniya sa bath tub. Sa gulat ay hindi siya nakapag salita noon. I smiled at him then and just shrugged at what I said before opening a new topic. Sa tingin ko'y nasa isip niya ito pagkatapos at hindi lamang ako tinatanong tungkol doon kahit na gusto. Probably not wanting to pressure me about words that I was most likely just joking about.
Ngunit hindi naman ako nagbibiro.
"Yes, I'm serious." I affirmed.
Hindi makapaniwalang liningunan niya ako.
"Are you really?" He asked almost breathless. Like this is too much for him.
Tumango ako. Sa paggawa ko no'n ay matinding emosyon ang dumaloy sa kaniyang mukha. Tila nagulat, nalilyo, at masyadong nabighani. Nag-iwas ito ng tingin sa akin at itinago ang ekspresyon.
"But why?" Halos ayaw na niyang tanongin iyon sa kaniyang tono. Tila gusto nalamang na hindi humingi ng sagot sa takot na baka hindi gusto ang marinig, ngunit hindi pa rin mapigilan na alamin.
"Comfortability. Companionship. Intimacy." Enumera ko. "We understand each other, we get along, what more is there to demand for another partner?"
"You don't marry for those things," iling niya kahit mukhang mas gusto nalamang tumahimik at tanggapin ang aking proposisyon na magpakasal kami. "You marry for love."
"Seref I don't think I'll ever marry for love." I answered him frankly.
"Sapagkat hindi ka naniniwala dito, gano'n ba?"
"Hindi sa hindi ako naniniwala. I'm not that bitter to say that love doesn't exist. It does. But I don't think it's forever powerful as everyone says. Lahat ng bagay nagbabago. Kahit emosyon pa iyan. Love fades, it dies, it wither. Let's not fool ourselves by saying it doesn't. That's why I don't trust it. Kaya naman kung magpapakasal ako, hindi dahil sa pag-ibig na malalagas din kinalaunan, kundi dahil sa pagkakaintindihan at sa relasyon na matibay tulad nang kung anong mero'n tayong dalawa. That's more convenient, assuring and less risky."
BINABASA MO ANG
Hiraya (HEST #1)
RomanceHide End Seek Trilogy #1 Hiraya Amor is the most sought socialite attorney of the country. With her sweet words, her cunning tricks and her wits, she can get even the most wanted criminal clear of any charges. Bakit niya ginagawa ito? Dalawa laman...