Kabanata 7

91 4 0
                                    

Musical Arc VII: Key & Doors

Lahat ng problema ay may solusyon.

Kung may mataas na langit, meroong mababang lupa. Kung andiriyan ang kadiliman, sa dulo nito ay paniguradong meroong liwanag. Kaya naman sa bawat problema, kakambal nito ang solusyon at lunas para maresolba ito. Ganoon ang sistema ng buhay.

Hindi pwedeng isang dulo lang ng stick ang meroon. Dalawa palagi ang dulo. Balanse parati ang mga bagay. Kailangan mo lamang magsumikap at magpursiging mabuti upang mapunta sa dulo na iyong gusto.

Biyernes at kakatapos ko palamang maligo pagkagaling sa foreign classes. Mamayang gabi na gaganapin ang party ng mga Amnon kaya nagsisimula na akong mag-ayos.

Pagkalabas ng banyo nang naka-roba, naabutan ko sa sofa set ng kuwarto si Ate Linda na naghihintay upang ihanda ako.

Isang ubo at hatsing ang lumabas sa akin.

Agad napatingin ang aking handmaid at napatayo bilang responde. Napa-ubong muli ako habang lumapit na sa akin si Ate Linda.

"Okay ka lang, miss?"

Tumango ako sa kaniya at hinawakan ang tungki ng aking ilong. Nangangati ito. Namumula at barado rin. It seems like I have caught a flu.

"Yes. I'm fine." Ngumiti ako kay Ate Linda upang hindi ito mag-alala.

Agad naman akong napa-hatsing muli. Sumakit ang ulo ko kaya napalapit sa upuan upang maka-upo muna nang sandali.

"Sigurado ka Miss Hira?" nag-aalalang tanong niya.

Pagod lamang akong tumango dahil walang enerhiya ang aking katawan. Napansin ko lamang na pagod pala ako noong naupo ako.

"Ayos lang. You can call the make-up artist now to come upstairs. Para madaling matapos at para makapag-bihis na rin ako."

Dumating ang dress na pina-design namin kahapon. Nakalagay na iyon sa kuwarto ko sa isang dress mannequin. Bago isuot ay ima-make up muna ako.

Nag-aalinlangan pa si Ate Linda kung susunod sa utos o ako'y aalalayan muna. Sa huli ay tumango ito at lumabas na nang kuwarto upang ipataas ang make-up artist na naghihintay sa bulwagan.

Habang hinihintay sila ay mas lalong sumakit ang aking pakiramdam. Umubo muli ako at sumandal na nang tuluyan sa upuan. Dahil masakit ang ulo ay ipinikit ko muna ang aking mga mata, nagbabakasakaling mabawasan ang sakit nito sa paggawa no'n.

I sniffed my nose after another sneeze. Sigurado na akong higit na mas namumula na ito ngayon.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at mga yabag ng paa.

Aking ibinuklat ang mga mata at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Ate Linda. Sa likod nito ay ang aking make-up artist.

"Ayos ka lang ba talaga, Miss Hira? Namumutla ka."

Umayos ako ng upo at tumayo upang lumipat sa tukador. Sa harap no'n ay salamin. Katulad ng dati ay doon ako aayusan ng aking make-up artist.

Tumango lamang ako sa aking handmaid. Lumapit naman siya sa akin at sinalubungan ang aking paglakad ng isang haplos sa aking noo. Napasinghap ito.

"Nagliliyab ka!"

Ako'y marahang umiling upang maparating na ayos lamang.

"It's okay. I'm fine."

"Pero mainit ka miss!" pilit niya. "May sakit ka! Tatawag na ako sa doktor."

Mabilis kong hinuli ang braso niya noong tumalikod siya sa akin at akmang aalis upang tawagan nga ang doktor namin.

Hiraya (HEST #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon