Kabanata 44

99 3 0
                                    

Antagonist's Tale XLIV: Pretty Tactics & Sensual Strategies

Antagonists are winners.

If you think about it, throughout the journey of a protagonist, it's the villain who wins almost all of the fight. They have the most victory. 

Ngunit ano ang ginagawa sa dulo upang magkaroon ng magandang pagtatapos ang istorya ng bida? Ang kapangyarihan ng pagmamahal at pagkakaibigan ay mananaig. Kung saan tutulong ang lahat upang kalabanin ang kontrabida, habang siya ay mag-isa lamang. 

Ang kailangan lamang panalunin ng bida ay ang huling laban. At siya na ang tatanyaging magiting, habang ang libo-libong panalo ng kaniyang kalaban bago iyon ay makakalimutan na ng lahat. 

But not in my reign. 

I am the victorious Hiraya Amor. And I will see through the most important fight I had been waiting for for a decade. I will win this.

Agrazal is the richest political clan amongst the three spiders.

Don Hugo Agrazal used to be the president of the country. Ang kaniyang mga anak ay sumunod din sa politika at ipinagpatuloy ang pagpapamana ng mga posisyong tulad ng kongresista.

Or at least most of his children.

Ang bukod tangi sa apat niyang anak na hindi nag-politika ay ang bunso—Eponine Agrazal. That's a first in all of the Agrazal bloodline. In fact, due to her unknown placement in the politics, most are hardly even aware that there is a fourth child of the late president Don Hugo.

Her existence was so discreet in comparison to the other Agrazals who everyone sees everywhere. Lalo na at malaking parte ng pagpopolitika ang pagpapakilala sa publiko.

Her entire elementary was only made up of four students, including herself. Her highschool only had one section per level. Noong kolehiyo ay sa Europa ito nag-aaral.

She was eighteen when she killed my father with her friend's car.

Si Seref ang kasama noon ng aking ama at siya ang dapat na talagang sasagasaan. The motive? It's a full on circle. Despite her differences from her three siblings, in the end she still bounced back to being an Agrazal and their politics.

Isang taon bago matapos ang termino ng nakahalal na pangulo noon ay meroong mga bali-balita patungkol sa pagtakbo ni Perseus Jaena at Javier Agrazal. Ang tiyo ni Seref at kapatid ni Eponine.

Among the Jaena cousins, Seref's the most powerful. On top of having a Jaena blood, he is also an Amnon. Ang pamilyang higit na mas mayaman sa kanila. Ibig sabihin ay sa lahat ng trapo, kabilang ang mga bagong henerasyon ng Pinlac at Agrazal, si Seref ang pinakamalaking panganib na nagpapangamba sa kanila kung naisipan nitong mag-politika rin kinalaunan.

She's the youngest spoiled brat of Don Hugo, completely immature, had validation issues due to years of being ignored, was sighted partying at a bar before she went to drive the night of February 13th, and there, walking alongside my father on the street she's driving on was the greatest threat the children of politics has in this generation.

It was an accident brought on by an eighteen years old's impulsive act of threat and hate. That's what took my father's life.

The greatest fuckening fuck out of all goddamn universal fuckers.

Hindi pa roon natatapos. Oh no, of course it does not! Ang pinaka nakakagalit ay ang dahilan ng pagnakaw rin ng hustisya para sa pagkamatay niyang iyon.

Hiraya (HEST #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon