Antagonist's Tale XXXVI: Drunk Lies
A social butterfly.
Iyon ang tinagurian sa akin sapagkat ako palagi ang sentro ng mga linalapitan at dinudumog ng lahat. Ako palagi ang pinaka palakaibigan at pinaka kinahuhumaligan ng mga kilalang tao sa buong bansa.
Sino nga ba naman ang may hindi gusto sa mga paru-paro sa himpapawid? They're peaceful and pretty. Everyone wants it.
"Whose gown is it again?" The respectable old lady of the Ziang asked me at the wedding reception.
"The one at the church earlier was Gaultier's. During the dance was Frank Sorbier's. While this one is a work of Alexandre Vauthier, Ah Ma."
She smiled, impressed.
"Still our French girl, I presume?"
Malambot akong ngumiti. "Only wore French brand since the day I was dressed as a baby, Ma'am."
"Exquisite taste as always," tango rin ni Nistra Dalkeya. "And beautiful couple, aren't you?" Lumagpas ang kaniyang mga mata sa aming grupo patungo kay Seraphiel na kausap sina Senator Escoto at ang iba pang mga lalaking panauhin.
There was bitterness in the eyes of the infamous mistress of the decade.
Humalakhak ang dating Miss World sa aking tabi. "Just because she didn't marry your son Haru, doesn't mean you can spite our newly wed," saad ni Deify Imperial. "Let's be sports, darling. Honestly, I wouldn't choose your son either."
Nagpuyos sa irita ang ginang, bagama't halatang sinusubukan niyang pigilang ipakita. Hindi siya masyadong magaling at kitang-kita ko ang pagkaroon ng mga linya sa kaniyang mukha. She might want to lift and discuss damaged control with her derma after this.
"You insolent child," huling sinabi nito kay Deify bago naglakad palayo.
Liningunan ko ang aking katabi. Napalingon din ito at nagkibit balikat.
"Don't tell me it's a crime to be honest now too?"
She didn't bother apologizing since she knows no one can touch her. She's an Imperial after all.
"Your Guo Pei Chinese dress is immaculate, Lady Ziang." I had to pick the mood back again.
Iilang mga pag-uusap pa tungkol sa mga nangyari sa aking kasal, at iilan pang mga tanong patungkol sa detalya ng karangyaan nito ang naganap habang ako ay naglilibot bago nagsimula ang pagbibigay ng mensahe ng mga panauhin.
Sa kalagitnaan ng pagpuri sa akin patungkol sa singsing na binigay sa akin ni Seraphiel ay nahanap namin ang mata ng isa't isa sa magkabilang panig ng silid.
A glass of red wine is on his large hand. Ang ugat sa kaniyang kamay ay prominente. A glass champagne is on mine.
He dropped his eyes on the red wine. Played and tilt the glass a little, before sweeping his stare back at me.
We couldn't deny it.
Ang distansyang naghihiwalay sa aming dalawa, ang mga paang nakapako sa magkabilang panig ng silid, ang mga matang puno ng paghahanap sa isa't isa---lahat ng ito ay aming sinusuot sa mga balikat na binubuhat ang lahat ng aming tinatago.
We're just a few distance from one another, but the stares, the heavy hearts, the longing---how it can they be so profound as to make it seem like we're two splattered worlds away?
Nakatayo sa parehong makintab na sahig, humihinga sa parehong amoy rosas na hangin, nagsasalo sa parehong pista ng aming kasal, kaya naman bakit hindi sapat iyon upang aming maramdaman na kami'y magkasama sa parehong lugar, parehong oras at parehong pagkakaintindihan?
BINABASA MO ANG
Hiraya (HEST #1)
RomanceHide End Seek Trilogy #1 Hiraya Amor is the most sought socialite attorney of the country. With her sweet words, her cunning tricks and her wits, she can get even the most wanted criminal clear of any charges. Bakit niya ginagawa ito? Dalawa laman...