Kabanata 11

124 5 1
                                    

Musical Arc XI: Questions

Walang sikretong hindi nabubunyag. Gaano ka man kawalang imik sa isang bagay o gaano ka man kaingat sa pagtago, sa huli ay matatagpuan pa rin ang lihim na nais mong ibaon.

Sapagkat lahat ng sikreto ay may butas. At sa butas na iyon ay matutunghayan at makikita ang katotohanan.

"Come in," malamig na utos ng aking ina pagkatapos kong kumatok.

Binuksan ko ang pintuan ng study. Ang kaba ay pumupuno sa aking systema.

Sumalubong sa akin ang aking ina na nakaupo sa harap ng itim na mahoganing lamesa. Mga papel amg nakapatong sa ibabaw nito. Meroon siyang hawak na isa at doon nakatuon ang kaniyang atensyon.

Napalunok ako bago naglakad papalapit. Hindi niya inangat ang kaniyang tingin.

"G-good evening." Ang kamay sa likuran ay napakurot sa mga daliri dahil sa pagnginig ng aking boses. "You called for me, mom?"

"Fascinating, isn't it?"

"Pardon?"

"How you have the audacity to call me mom when you're not worthy of being my daughter." Tumaas ang kaniyang mata mula sa papeles na hawak.

Agad na kumabog ang aking dibdib sa kaba. Alam ko na agad.

Dumating na ang balita sa kaniya.

"Last place, Hira," she hissed with disgust. "Last place. Qui ne sert rien."

"N-nakapasok naman po ako sa nationals. I'll make sure to win first place there, mom." Tumalas ang kaniyang tingin sa huli kong sinabi. Napalunok ako. "M-madame. . ." aking pagtama.

"You think earning a victory will make up for the embarrassment you have committed?" Umiling ito. "How foolish you are then. You seem to be far more so than I could dare to give you credit."

Yumuko ako at bumuntong hininga. "I'm sorr-"

"If an apology would cut out for everything, we wouldn't have jurisdiction nor the court today."

Siya'y tumayo at ang kaniyang takong ay umalingawngaw sa buong silid habang papalapit sa akin. Tumigil ito sa'king harapan at pinantayan ang aking ulo. Gamit ang kaniyang daliri, tinaas niya ito mula sa pagakakatukod.

"You think apologizing can undo failure?" she whispered lethally.

"No, ma'am," mabilis kong sagot.

"Then why do you keep on doing it? I told you. Never apologize. An Amor could never fail. Feeding someone with an apology means that you have."

Tumango ako.

Kahit na aking alam sa sarili na ang dahilan ng paghingi ko ng tawad ay hindi dahil sa tingin ko kailangan sapagkat ako'y nabigo, kundi dahil iyon talaga ang sinisigaw ng aking damdamin. I want to apologize because I fell short of her expectations. I want to apologize because an apology is a promise. It's being sorry enough to swear that you'll never repeat the same act again. I want to apologize because I want to be better for my mother.

"How pathetic. All the classes, all the lessons, all the money that I spent on you. Why can't you just reciprocate everything that I'm doing for you properly? It's not even that difficult if you just work hard!"

She slap me hard.

Tumagilid ang aking ulo sa lakas ng pagsampal niya. Aking ibinalik kaagad ang ulo paharap at sumalubong sa akin ang isa na namang sampal. Ngayon ay sa kabilang pisngi ito sumalampak.

Hiraya (HEST #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon