Simula

290 8 0
                                    

Naagaw nang bilugang salamin sa aking harapan ang aking pansin. Sa pagtama ng mata ko rito ay ang pagsalubong din ng imahe ng isang babae.

Mestiza at walang kapintasan ang maputing kutis niya. Makinis at walang imperpekto. Ang buhok ay nakalugay at nakaipit dito ang mga palamuting perlas. Ang mga labi'y mapupula at tila kay tamis. Matangos ang ilong at ang kayumangging mga mata ay nag-aagaw atensyon.

Sumisigaw ng pagka-elegante at kagandahan ang imahe ng babaeng nakatingin pabalik sa akin sa harapan ng salamin.

She screams elegance and grace. She manifest all dreams and she is created out of the blood of stars. That's the reflection painted on the mirror. One that reflects the image of a queen.

Ang imahe ko.

I smiled bitterly.

Nakatuon ang aking atensyon sa bilugan at kayumangging mata na tila gawa sa buhangin ng disyerto. Ngunit 'di tulad ng mainit na disyerto, ang aking nakita ay malamig at walang kabuhay-buhay na mga mata. Walang init na nag-rereplekta sa mga ito.

Lamig lamang.

At thirty, the worn out reflection for this condemned phenomenon we call life has already been etched on every corner of my uncloaked eyes.

Siguro'y gano'n talaga. Kapag pala sobra ka nang nasaktan, pinahirapan at pinaglaro ng tadhana, manlalabo ka na.

Sa unang matinding paghamon, masusugatan ka lamang. Kapag sinundan pa ng isa, lalim ang sugat. Hindi papayagan na maghilom muna bago makatanggap nang panibago. Ngunit aahon ka pa rin. Susubukan mo paring tumayo. Ang bawat luhang pumatak ay pupunasan hanggang sa makakayanan mo na muling lumaban.

But life and the strings of fate has never been easy.

Masama ito at mapanira. Malupit at walang awa.

Sa paulit-ulit na pananakit nito sa akin. Sa paulit-ulit na pagpilit nitong ibaba ako upang hindi makatayo. At sa paulit-ulit na paglaro at pagtapon nito ng kahirapan sa aking buhay, doon na ako nasampal ng katotohanan hanggang sa mawalan na ako ng pakiramdam at maubos na ang mga luhang nilalabas ng aking mga mata.

May hangganan ang lahat.

At ang pagmulat ng aking paningin sa katotohanan na ang mga tao ay likas na makasarili at mapang-abuso ang naging hangganan para sa akin. Naputol ang aking lakas upang lumaban at magtiwala.

Ano ba ang makukuha ko sa pagiging mabait? Sa mundong ito kung magiging mabait ka ay ikaw ang api.

Ikaw ang talo.

Kaya kailangan mahusay kang maglaro. At kung ika'y matalino, alam mong kasamaan lang din ang maaring sandata laban sa kasamaan.

Ako'y tumayo at naglakad palabas ng silid.

Sa paglabas ay aking nadatnan ang mga bihis na bihis na mga panauhin at bisita sa pavilion ng Royal Balesin Villa.

Nakadestino ang villa sa tabi ng Lamon Bay at naka-disenyo na tila isang palasyo. Ito ay kasama sa pitong villa na bumubuo sa pribadong isla ng Balesin island.

The only ones who can usually flourish the Balesin island are those who hold its luxurious membership card. My guests arrived the private island through the charter plane.

Sa aking pagbaba ay aking naagaw ang kanilang atensyon. Ang mga bisita ay napatingala at ngayo'y nakatingin sa akin. Aking itinaas ang laylayan ng mahaba at puting damit na suot at nagsimulang tahakin ang hagdan upang makapunta na rin sa pavilion.

"Miss Amor. . ." Magalang na inabot sa akin ng isa sa mga tauhan ang kaniyang kamay, nag-aabot ng tulong.

Hindi ko ito pinansin. I still remember the previous agents that I had who did those things to the farmers during the rallies against me.

Hiraya (HEST #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon