Musical Arc II: Threatened
Simula palamang ay may tiwala na ako sa aking kakayahan.
Ako'y pinalaki na hinuhumog sa kaperpektuhan ang bawat sulok ng aking pagkatao. At dahil doon ay nagbunga ang tiwala sa aking sarili at tiwala sa aking abilidad. Ang alam ko lamang na lugar sa lahat ng aspekto ng buhay ay ang sa itaas. Sa pinakatuktok ng lipunan; Sa pinaka-una sa listahan; Sa pinaka-ibabaw.
At may tiwala ako sa aking sarili na kaya kong panatilihin na gano'n ang aking posisyon. Kahit kailan ay hindi ako nangamba na maaagaw sa akin ang titulong aking hinahawakan. Ngunit simula no'ng nagkaroon kami ng bagong kaklase ay unti-unting nayanig ang tiwalang iyon.
Seref Amnon
Ilang buwan na ang nakakalipas simula nung unang araw na nagkaroon kami nang bagong kaklase. Lahat ay interesado sa kaniya, lalong-lalo na ang mga kababaihan.
Ako lamang yata ang hindi.
Aking hindi alam kung paano naging posible na sa ilang buwan na magkaklase kami ay hanggang ngayon hindi pa rin kami malapit. Kilala ako sa pagiging palakaibigan at malapitin na tao, ngunit pagdating sa kaniya ay nawawala na parang bula iyon.
Tahimik lamang ito at 'di gaanong maingay. Malayong-malayo sa akin na sentro palagi sa isang pag-uusap. His actions are all minimal and constricted too.
In my eyes, he's nothing but a flimsy boy.
Kaya nga hindi ko maintindihan ang mga kaklase na hanggang ngayon ay nahuhumalig kay Seref, mapalalaki man o babae.
Bakit gano'n? Bakit gusto siya ng lahat? Bakit ba ang daming humahanga sa kaniya?
Wala namang espesyal sa kaniya para sa akin. Hindi naman siya ang nag-iisang may lahing banyaga sa eskwelahan na ito, kaya bakit kapag tumitig ang mga tao ay parang bang bagong-bago siya sa kanilang paningin?
Kung ako ang tatanungin, isa lang naman siyang tahimik at patpatin na kaklase. Mukhang mahina. With his pale skin and reticent stance, he plays the part.
"Ang bait ni Seref," agad na anunsyo nang kaklaseng si Roxanne pagkabalik sa kaniyang upuan.
"Bakit? Ano'ng nangyari?" Mabilis na naging interesado ang mga kasama sa pagbanggit niya sa pangalan ng kaklase naming iyon.
"He saw me struggling in Math earlier. Tapos noong inaya kong i-tutor ako, pumayag!" Roxanne went on to start her litany about Seref's chivalry.
Ang mga ibang kaibigan ay agad nainggit at nagsabing nahihirapan din sila sa Matematika. Papaturo rin ang mga ito at sigurado na silang papayag siya.
Palaging gano'n ang sinasabi nila tungkol sa kaniya.
How much he's nice and kind all the time. Parati siyang pinapalibutan ng mga kaklase sa iba't ibang dahilan at ni isa sa mga iyon ay walang nagsabi na hindi ito mabait.
Hindi naman sa naging masama sa akin si Seref kaya hindi ko masabi nang diretso tulad nila na mabait ito. Sa katunayan ay lahat nang mga natatandaan kong enkwantro namin ay maayos siya. He's in fact, awfully polite, I'll give him that.
Ngunit nananatili pa rin akong ilap sa kanya sa 'di malamang dahilan. Siguro dahil hindi maganda ang una kong impresyon sa kaniya?
Hindi nga naman magandang pagkadismaya ang unang maramdaman para sa isang tao. Siguro dahil do'n ay 'yon na ang tumatak sa akin. Kaya naman sa tuwing nakikita ko ito ay hindi ko maramdaman ang kung ano mang nararamdaman na atraksyon nang iba para sa kaniya.
O' dahil siguro hindi ako sanay na meroong nakakakuha nang kasing daming atensyon tulad ko?
Hindi.
Hindi 'yun dahil do'n.
BINABASA MO ANG
Hiraya (HEST #1)
RomanceHide End Seek Trilogy #1 Hiraya Amor is the most sought socialite attorney of the country. With her sweet words, her cunning tricks and her wits, she can get even the most wanted criminal clear of any charges. Bakit niya ginagawa ito? Dalawa laman...