Kabanata 3

123 6 0
                                    

Musical Arc III: Normal

Sa bawat pagkakamali, gaano man kaliit, ay may kaparusahan para sa aking ina. 

At ayos lamang sa akin. Kahit kailan ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kaniya. Sa aking isip, ay alam kong ginagawa niya lamang iyon para sa akin. Gano'n lang siguro niya ipinapakita ang kaniyang pagmamahal sa akin. Iyon ang pinaniniwalaan ko.

Kaya naman ginawa ko ang lahat nang makakaya upang masundan ang kahilingan ng aking ina. Because hey, mother knows best right?

At sa loob ng labing anim na taon, iyon ay ang aking normal.

"Thirty six," I counted with a pained voice.

Nakita ko ang konting pagtaas ng kilay ng aking ina dahil sa panghihina sa aking boses. Agad kong pwinersa na patatagin ito kahit hirap na hirap na.

Ilang beses kong binulong sa'king isip na malapit na itong matapos. Na tiisin ko na lamang ang sakit sa bawat dapo nang latigo sa aking hita.

Gusto kong sumigaw.

Gustong kumawala ng pighati sa aking lalamunan ngunit hindi ko pinayagan ang aking sarili.

Ang paa't braso na sumusuporta sa bigat ng aking katawan ay nagbabadyang bumigay. Gusto nang umalis ng mga ito sa posisyon na kinaroroonan. I am no longer aware as to how long I've been in a plank position ever since my punishment started for this day.

Ang aking likod ay puno na ng pawis, maging ang aking leeg at ang tagiliran ng aking noo. Ang bigat sa aking tiyan dala ng pagod at bugbog ay humihila sa akin pababa sa sahig, inaakit ako na bumigay na sa pahinga na kailangan ng aking katawan. 

Ngunit ang pinakamasakit na yata sa lahat ay ang balat na naabuso sa pwersa ng latigo.

Ilang taas lamang mula sa tupi ng aking tuhod ay ang sugatang bahagi ng aking katawan. Alam kong sadyang doon dinadapo ng aking ina ang latigo upang madali itong matago ng mga palda at bestida.

The pain is so overwhelming that my entirety pleads to escape from the torture. Nagmamakaawa ang aking mga hita na tumigil at bumagsak na lamang sa sahig.

Wala akong sinundan kahit alin man sa hinihiling ng aking katawan.

Alam ko na kung nagpadala ako sa kahit alin man doon ay mababaliwala ang lahat ng sakit at paghihirap na aking dinaan at magsisimula muli mula sa pinaka-umpisa ang aking parusa.

"Quatre." Iyon ang naging tanging signolo ng aking ina kanina upang ipaalam sa akin na may kailangan akong pagbayaran.

Quatre, French of four. Ang mga aking apat na kasalanan?

Un: I spilled some water on the dining table. Equivalent to four beatings.

Deux: I got two mistakes on the last exam in History. Equivalent to eleven beatings.

Trois: My arms swayed too much when I walk. Equivalent to six beatings.

Quatre: I became friends with a commoner. Equivalent to twenty-four beatings.

Hindi ko alam paano nalaman ni ina ang pinaka huli. Siguro sa aking personal na guwardiya na si Kuya Jommel na siyang kasama ko kahit na sa eskwelahan. O baka naman ay nasabi sa kaniya nang aking mga guro.

Hindi ko alam.

Tinuruan ako paano maging pala-kaibigan sa lahat. Ang sabi sa akin ay kailangan akong magustuhan ng lahat. Wala naman akong naging problema roon dahil iyon rin naman ang aking gusto. Nais ko ring maging kaibigan ang mga tao kaya bakit ako magkaka-problema?

Hiraya (HEST #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon