Kabanata 22

78 2 0
                                    

College Arc XXII: Sad eyes

Hiraya Severine Amor

The moment that people say that name, it's always with great emotions. Intense feelings, both good. . . and bad. They say Hiraya Amor with admiration. They say it with bitterness; They say Hiraya Amor with awe and amazement. They say it with jealousy; They say it with enchantment. They say it with a curse.

The name screams power. It's a name that everyone say with screaming emotions, like I am dream herself. The girl living every aspect of everyone's dream life, every talent and genius everyone dream to oppress. Hiraya Amor is almost like a title see. And it demands the owner to bear its pressure for it's a name everyone speaks of like it's a standard of the highest empery.

Ganoon ang pagtawag sa aking pangalan.

At sa lahat nang pagkakataong iyon ay hindi ako ang nagpakilala sa sarili. Madalas ay alam na nila kung sino ako na walang kinakailangan na pagbanggit sa aking panig.

It has been months. Months since I saw that guy in the bar.

From the last few months of the year 'til the end of the summer, I was looking, searching. I was seeking for him.

Nagsimula 'yon sa paghahanap ng kaniyang katauhan sa social media.

"Wala pa rin?" Aking ulit na tanong kay Aubrey na siyang nagtitipa sa keyboard sa aking tabi.

"Usong tumingin sa screen ng laptop." Turo niya sa naka-display dito na wala ang hinahanap.

Hindi ko pinansin ang kaniyang kasungitan sapagkat masyadong nanlulumo sa kawalang pag-asa ng aking sitwasyon.

Kasama sa una kong ginawa ay ikwento ang tungkol sa lalaking aking nakita kay Aubrey. She was so thrilled about it. Lalo na't hindi naman talaga ako interesado sa mga gano'n noon.

We searched for him online. Ngunit ano nga ba ang inaasahan naming mahanap kung wala naman akong ideya kung ano ang kaniyang pangalan?

Ang kaya lang naman naming i-search ay ang mga walang kabuluhang bagay. Mas lalo silang walang laman dahil si Aubrey ang nagtitipa. 'Kuyang nasa bar' 'Lalaki nakita sa gilid, hey!' 'Come on, pa-search ka naman' ''Yung gusto ni Hira nasa'n ka na, oy' 'Bobo 'to ayaw pahanap, pabebe amputa'

I could vomit. 

"Where did you learn such curses?" I laughed at the last one she typed on the search bar.

"Sa mga shit posts," sagot niya. "Trashtalking is part of the meme culture lately you know?"

"Oh, good for you, sweetie." I hyped with a dry voice.

"Kairita."

"You're getting great with your Filipino lately," aking pansin.

"Well I'm half American, half Filipino. Pero overused na 'yung unang kalahati. Kailangan ko nang simulang maging magabayan."

"Makabayan," aking pagtama.

"Okay, grammar police. Pasalamat ka suportado ako sa lahat ng uri ng kaharutan."

Gano'n ang aming sinubukan, ngunit ilang araw ang lumipas ay wala kaming mahanap. Kahit na pumunta pa kami sa page ng bar na pinuntahan noong gabing iyon upang maghanap kung mero'n bang larawan doon na stolen. Noong wala ay isa-isa pa naming sinuri ang nasa follower lists kahit na libo ang mga iyon. Ngunit sa huli'y 'di pa rin nagtagumpay.

"Nothing on Twitter, IG and Snapchat." Sabay kaming nagbuntong hininga.

Kaya naman palagi akong naeengganyong pumunta sa inuman. Nagbabaka sakali na andoon siya. Ngunit katulad nang dati, umuwi ako na walang nasisilayan. Gano'n din ang nangyari sa susunod na Sabado, muli sa susunod pagkatapos, parehong pangyayari sa susunod din nu'n.

Hiraya (HEST #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon