Antagonist's Tale XXXIV: Evil & Evil
I remember believing in reincarnation.
I remember promising that in my next trial in the underworld, my next decision in the afterlife, my next salvation in the purgatory, I'll make sure I'll be born again into this world to be with my parents.
Sapagkat akin parating pipiliin na mabuhay. Gano'n ko kamahal ang aking perpektong buhay kasama sila noon. I loved it to so much I'll choose to be born again.
But then again, things are so different now from how they were before.
"The witness has acknowledged the claims of the defendant. About the information deemed as confidential by the prosecution, I had submitted a report denying the nature and economic usefulness of the said content."
Suot-suot ang all white Yves Saint Laurent coat at straight cut trousers, humarap ako sa judge na nakaupo at nakikinig nang maigi sa akin sa gitna. A golden pin with an A star was on my left chest.
"I, therefore, request you to find the defendant not guilty your honor."
Sa paghatol ng desisyon ay nakita ko ang pag-iyak ng mga nasa kabilang banda ng korte. Nagsitayuan na ang mga tao sa loob ng korte.
Lumingon ako sa aking kliyente. Naiiyak na ngumiti ang binatilyo sa akin.
Sa aming paglabas sa pintuan ng korte ay ang pagsalubong sa amin ng mga kamera at mikropono.
"How does it feel to be a free man Mr. Escoto?"
"Ano po ang naramdaman ninyo sa pag-akusa sa inyo sa krimen na hindi ninyo ginawa?"
"Nakakalungkot po," sinagot ng aking kliyente ang kanilang mga tanong. Hinayaan ko ito hindi katulad ng dati na sinabihan siyang huwag sagutin ang kahit ano. "Nagpapasalamat nalamang po ako na sa huli ay nanaig ang katotohanan."
Iba't iba pang mga tanong ang pinaulanan nila habang kami ay naglalakad paalis.
Ang mga flash mula sa mga kamera, ang mga takong at sapatos ng mga media na sumusunod sa amin patungong kotse, at ang kanilang mga boses na lahat ay nagtatapon ng mga tanong ang pumuno sa aming pandinig.
Pumasok ang aking kliyente na si Mr. Escoto sa itim na sasakyan. Mga tauhan ang pumalibot sa amin upang magkaroon kami ng espasyo mula sa mga maiingay na reporter.
Noong nakapasok na siya sa loob ay ibinaba niya ang kaniyang bintana.
"Atty. Amor," tawag sa akin ng binatilyong aking pinalaya at pinanalo ang kaso. Bahagya akong yumuko upang magkatapat kami.
Isang mabait na ngiti ang binigay niya sa akin.
"Salamat."
Ngumiti ako sa kaniya pabalik. It comes so easily now. Way way too easily.
Kung titignan mo ay mukha naman talaga siyang inosente. Na
parang hindi niya talaga kayang gawin ang ipinupukol sa kaniya. Ngunit alam ko ang totoo. Pinili ko lamang itago ito."Walang anuman."
"'Wag kang mag-alala. Sisiguraduhin kong mababayarin ka nang nararapat na pasasalamat mula sa akin at nang aking pamilya."
Sa likod ng inosente niyang ngiti ay nakatago ang madilim niyang identidad. Madilim. . . ngunit maraming salapi.
Iyon lamang ang importante.
Ngumiti ako rito. Sa taong nakapatay ng kaniyang kaklase. He bullied him for two years together with his friends. Noong lumaban sa wakas ang kaklaseng kanilang inaapi at nagsumbong sa guro, nagalit ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Hiraya (HEST #1)
RomanceHide End Seek Trilogy #1 Hiraya Amor is the most sought socialite attorney of the country. With her sweet words, her cunning tricks and her wits, she can get even the most wanted criminal clear of any charges. Bakit niya ginagawa ito? Dalawa laman...