College Arc XXIII: Girl's Night
Audelaine Britannia Miranda
The daughter of one of the country's most renowned chef. Loud, disastrous, and a walking chaos. Yes. That's Aubrey Miranda.
Back in Isabela, most people stray away from her. Una, dahil masyado itong masungit at maarte sa lahat. Lalo na sa mga babae na kaniyang pinag-tataboy dahil ayaw na may lumalapit kay Seref na palagi siyang dumidikit. Ako lamang ang babaeng kaibigan niya noon sapagkat ako lamang ang hindi nagalit sa kaniyang kaartehan. Ngunit madalas iniisip ko na dahil ako lamang din ang hindi pumapansin kay Seref Amnon no'n kaya naman ginusto niyang maging kaibigan ako mula sa mga ibang babaeng kaklase.
Pangalawa, umiiwas ang mga iba sa kaniya dati sapagkat sa tingin nila'y hindi ito nabibilang 'di katulad ng lahat. In a school of director's son, chairman's daughter, business tycoon's grand children, and political leaders' descendants, a chef's daughter, though one of the best in the country and earns millions, was viewed as inferior of rank compared to the rest of the students.
At pinaka-huli, ayaw si Aubrey ng marami sa aming mga guro at mga magulang sapagkat hindi ito nasasama sa tinging nilang mahuhusay. For them, she was a mediocre. Completely nothing that makes her great even on just one tiny aspect. Habang ako naman ang masyadong magaling sa lahat. Kaya sa huli'y nabuo ang inggit ni Aubrey sa akin.
But there's something that Audelaine Britannia Miranda, except for her signature winged eyeliner and scandalous clothes, is best at more than anyone else. She's great at it and I don't even think she's aware of it.
"I don't know how to play that."
Nandidiring tumingin sa akin si Aubrey. "Oh my lord, are you serious?" She stared at me with degrading eyes. Eyes pure of judgement. "Seriously?"
"Mukha bang ginawa ng diyos ang araw na 'to para makipag-biruhan ako sa'yo?"
Umupo ako sa kaniyang tabi at pinag-krus ang aking mga hita at braso, ang mga mata'y nasa telebisyon.
Sa aking kanan ay si Aubrey na naka-dekwatro at pinagmamasdan ako sa nang-iinsultong mga mata. "Sinong bata ang hindi nakapag-laro ng Tekken dati?"
I present myself to her with one hand.
As if I have time for playing as a child.
"Kahit kailan?"
"Kahit kailan."
"Kahit isang beses?"
"Kahit isang beses."
"The fuck? You loser."
Inikot nito ang kaniyang mga mata habang may ngising nakalantara sa kaniyang labi. Halatang nasisiyahan na may pagkakataon na itong maitawag sa akin iyon.
"Walang kwenta childhood mo," dagdag niya pa.
Pinagmasdan ko lamang ito nang walang masyadong interes. "Hmm, I see."
"Let me show you the tricks, loser." She grinned. Ngayo'y handa nang taruan ako sa isang bagay na wala akong alam at siya ay mero'n. "Papakitaan kita ng imbang galing. Let this pro show you how it's done."
"Okay?"
"Might as well call me Mama you dumb bitch." She laughed hysterically. Obviously relishing the rare moment that she can call me dumb too.
Hindi ako interesado noong una. Ngunit no'ng tumawa ito, humantong ako sa isang desisyon.
I got the other controller and flexed my neck. Binuksan ko ang aking mga mata at seryosong tinitigan ang screen. I decided then that I'm going to end this woman's whole career.
BINABASA MO ANG
Hiraya (HEST #1)
RomanceHide End Seek Trilogy #1 Hiraya Amor is the most sought socialite attorney of the country. With her sweet words, her cunning tricks and her wits, she can get even the most wanted criminal clear of any charges. Bakit niya ginagawa ito? Dalawa laman...