Kabanata 35

130 3 0
                                    

Antagonist's Tale XXXV: Charade

Let me tell you a prose. A story of a girl on a journey.

Let me speak of the words, the poems of her map. The steps toward the unglory.

The snake. The serpent. The apple of deceit. The root cause of fury.

Pandora's box. Multiple chaos. A never ending tragedy.

And finally the last trial. The pianist. The Achilles heel. A lover's derangery.

Let me tell you a prose. Let me tell you my story.

It's Jophiel.

Iyon lamang ang aking naiisip. Ang kaniyang pinsan na si Johpiel Amnon ang nakita ni Seraphiel na nakasaga sa aking ama. Siya ang pumatay dito.

Akin nang hindi mabilang kung ilang beses kong pinanood ang iilang segundong kuha ng CCTV na nasalba ng aking mga tauhan.

Sa mahabang panahon, ito palamang ang susing tunay kong nakuha upang buksan ang pintong humaharang sa pagitan ko at ng pumatay sa aking ama.

Even the top security agency that I hired failed to find any leads for years. Ang mga pinalit ko ang siyang nakahanap nito.

Sa kabilang daan patungong highway lumabas ang kotse sa isang CCTV. Habang si Seraphiel naman ay sa kabilang kanto na halos nawiwisyo at desperadong naghahanap ng tao upang makatulong. His shirt and hands were covered in blood.

Ang pagtakbo niya pahanap ng mga tao sa mas malayo pang daan na lagpas na sa kamera ang siyang huling kuha sa CCTV.

"He saw him," sigurado kong proklama sa isang bulong.

I tapped my pen.

"Why? Why didn't Seraphiel tell me who it was?"

Dahil kilala niya mismo kung sino iyon. 'Yon ang paulit-ulit na umaalingawngaw sa aking isipan.

At hindi lang kung sino. Hindi naman itatago ni Seraphiel sa akin kung hindi lamang din niya gustong protektahan ang taong iyon.

It can't be just any of his friends. Kahit si Aubrey ay nasa ibang bansa noon. It's not possible for him to get blackmailed too. Who would dare blackmail a Jaena descendant and an Amnon heir? Who could be that powerful?

Kaya naman sa huli ang pamilya niya mismo ang pumasok sa aking isip. It must have been one of his family for him to betray me of the truth like that.

Mabilis na napakuyom ako ng kamao.

But then what did I expect? Alam ko naman na ito matagal na. Humans are capable of deceit and selfishness. Lahat naman kami ganito. Lahat.

Hindi nakatakas do'n si Seraphiel Amnon.

Katulad nang aking inaasahan. Katulad nang aking naisip noon.

And just like me, he inhabited his darkness because of his family.

I ordered my men to get the details of the Amnons whereabouts the day my father died.

Ang mga magulang ni Seraphiel na si Troy at Helen Amnon ay parehong nasa Palacio de Amnon sa Isabela no'n. Si Georgina Amnon at ang kaniyang asawa ay nasa Wales.

Jophiel came home from his two months trip around Europe that week. Siya lamang at si Seraphiel ang mga Amnon na nasa Manila sa araw ng pagkamatay ng aking ama.

Hiraya (HEST #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon