Kabanata 14

102 4 2
                                    

Kabanata XIV: Stars

Isang laro ang aking ginagawa noong bata ako.

It was this game in the pool where the maids would throw out a coin in the water while I swim. Ang aking gagawin ay hanapin ito upang manalo. Natatandaan ko pa kung papaano ako lumulusob sa tubig at ibinubuka ang mata sa ilalim upang mahanap ang barya na kanilang tinapon.

It was a seeking game that I was great at. Magaling ako rito sapagkat sa oras na inilagay ko ang aking mata sa paghahanap ay hindi ako sumusuko hangga't hindi ko pa ito nakikita. Hindi ako umaangat sa tubig hangga't wala ang barya sa'king palad.

Katulad ng sa larong iyon, simula noong nagkaroon ng punyal sa'king puso ay parati na akong may hinahanap. Like in that game, it feels like I'm underwater desperately seeking for my coin. The only problem is, this time, I don't really know what coin I am searching for.

"Hira," namumula nang sobra ang pisngi ng babae, "pwede mo bang iabot ito kay Seref?"

Nakayuko at hiyang-hiya na sabi niya habang linalagay sa aking kamay ang isang sobre na may sulat ng pag-ibig.

The girls who like Seref always have courage with these things. I guess it's because he's just too nice and amiable. At lumalakas ang loob nila sapagkat siya ang tipong nagpapagaan ng loob ng lahat. They know that he wouldn't publicly humiliate them or turn them down rudely.

I even suspect that they genuinely believe he returns their affection. That his feelings are mutual with theirs. What, with all those flowery words and charming smile cast upon you when you face him, I can hardly blame people for jumping into those conclusions.

"Ano ba ang nagustuhan mo sa kanya?" aking mungkahi sa nagpapaabot ng sobre na may sulat pag-ibig sa akin.

Hindi ko siya kilala. Nagulat nalamang ako noong pumunta siya sa'king harapan at inabot sa akin nang biglaan ang sobre.

"Kasi ang guwapo-guwapo niya! Lalo na kapag nag-bibilliards! Tapos nakita ko pang naka-tag siya sa mga posts ni Amos St. Dashiel!"

Mukhang kinikilig pa ito habang tinatandaan ang itsura ng aking kaibigan.

"'Yun lang ba?" tanong ko. Tumango siya sa akin.

"Sa tingin mo ba ay pagmamahal na iyan?" Muli siyang tumango. "Kung gano'n. . . napakababaw naman pala ng pag-ibig."

Mabilis na sumimangot ang babaeng kausap sa aking sinabi.

"Hira naman."

"Hindi mo ako kailangan tawagin sa aking palayaw. Hindi tayo magkaibigan. It's Hiraya for you, Miss," aking huling sinabi bago siya iniwan na meroong napaawang na bibig dahil sa aking mga salita.

In the nearing two years since my parent's seperation, I changed.

Agarang umalis ang aking ina kasama ang kanyang lalaki pagkatapos nang aming pag-alam tungkol sa kaniyang ibang relasyon. Hindi ko na siya muling nakita pa.

With her family and power, she easily hid their traces. Ngunit hindi na rin naman kailangan iyon. Alam ko na sa Pransya rin sila tutuloy kinalaunan, nagtatago lamang silang dalawa ngayon ni Kuya Jommel mula sa mga mata ng mga tao ng Asya at Europa. After years of that, when people forget about the scandal, I know for sure that they will settle down in Paris. Down in the vineyard, with the Severine's power and money, they will start anew and forget about the past.

But it won't be the same for me. Hindi ako makakalimot. Hindi ako makakausad na tila walang nangyari.

Gano'n naman talaga kapag ikaw ang iniwanan hindi ba? Habang ang nang-iwan ay nagpapatuloy na sa kaniyang buhay, ikaw ay lunod pa rin sa trahedyang pinaranas sa iyo.

Hiraya (HEST #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon