Antagonist's Tale XLII: Realizations
Is this the strongest form of passion and the most vigorous devotion one can manage to adhere?
Or is this the saddest and painful situation for two people to yearn ardently for one another?
"Another water."
Tumango ang waiter sa aking hiling at umalis upang kunin ang panibago na namang baso ng tubig. Pangatlo ko na niyan iyon.
I clasped my fingers nervously. Hindi ko alam kailan ang huli kong matinding nerbyos na ganito. Pabalik-balik ang aking masid sa pintuan ng bread and breakfast shop kung andirito na ba ang aking hinihintay.
Masyado akong maagang dumating. The sun has just broken through the surface of the sky when I arrived here. Hindi rin naman ako mapapanatili kung nasa bahay pa rin ako ngayon.
Hindi ko mapigilan mapatanong sa sarili. Ano na kaya ang itsura niya ngayon? It's been a decade! Panigurado marami ang nag-iba na. Makikilala ko pa kaya ang kaniyang mukha? O kaya naman ay siya ako?
Anong nangyari sa kaniya sa mga taong iyon? The last time was her being sent to America. She was held there because her parents wanted her to marry a man thirty years older than her. Ni hindi ko na alam pa ang mga nangyari pagkatapos sapagkat masyado na akong nalulong sa sariling mga problema.
Bahagyang nanginginig ang aking kamay. Sinubukan kong huminga ng malalim. Habang aking ginagawa iyon ay bumukas ang pinto ng shop. The bells on the doors rang.
I lifted my head and held my breath. Awtomatiko akong napatayo noong nakita siya at ang mata'y nanlalaki. Parehas kaming naestatwa. After ten years, there stood Audelaine Britannia Miranda in flesh a few feet away from me.
Walang gumalaw sa amin ng ilang segundo. Na parang tumigil ang oras sa pagkakataong iyon.
Pinagmasdan ko lamang siya na parang nakakita ng multo.
Nasira lamang ang aming pagkapako noong isang maliit na ngiti ang naglaro sa kaniyang labi. In an instant, she was running towards me. Her flat sandals leaping through the tiles quickly. Mabilis niya akong hinigpit sa isang yakap.
And I burned with the contact. For three months I had gotten so accustommd with Seref's touches. Ni hindi ko na naisip ang dating takot ko na mahawakan ng mga tao. Ngunit ngayon ay napaalalahanan muli ako noon.
Yinakap ko siya pabalik kahit na tila nabubuhusan ng asido ang aking balat sa paglapat ng aming katawan. Hindi ko inalala iyon at mahigpit siyang kinulong din sa aking mga braso na tila mawawala siyang muli sa akin sa oras na nagpadala ako sa sakit na natatamo sa yakap namin.
"I'm sorry," ang mga salita ay may sariling isip at lumawas sa aking dila. "I'm so sorry I didn't find you. I am so sorry."
Aking naramdaman ang kaniyang pag-iling.
"I wasn't yours to seek."
Ngunit patuloy pa rin ang paghingi ko ng pagpatawad. Noong kami'y naghiwalay pagkatapos ng matagal na yakap ay nakita kong namumula ang kaniyang mga mata. Ngumiti siya sa akin at hindi iniwas ang tingin kahit na makikita ko ang kaniyang mga mata.
I expected her to joke about the good benefits of waterproof mascara or anything. Ngunit hindi niya ginawa. Doon ko lang din napansin na wala man itong suot na kahit anong make up. Not even the winged eyeliner that she has branded her own.
"Umupo na muna tayo," iminustwera ko ang mga upuan.
Nagsi-upuan kami at ang una kong ginawa ay ang masdan siya ngayon na nasa harapan. She was wearing a plain shirt, a simple jeans, and a down to earth flats. No sign of her scandalous dress codes anywhere.
BINABASA MO ANG
Hiraya (HEST #1)
RomanceHide End Seek Trilogy #1 Hiraya Amor is the most sought socialite attorney of the country. With her sweet words, her cunning tricks and her wits, she can get even the most wanted criminal clear of any charges. Bakit niya ginagawa ito? Dalawa laman...