Kabanata XV: Change
Change is constant.
Children grow over the years and become adults. Society develops and advance more with technology throughout the decades. Species die and fade away from the land, while new hybrids are being discover. It's all part of life's changes.
It's constant. It doesn't stop. It's a cycle.
Truth is, no one's capable of stopping change. Gaano man kapangyarihan o karangya ang isang tao ay wala itong magagawa. Gaano man kagusto ng isang tao na tumigil ang oras at manatili nalamang nang gano'n habang buhay ay hindi maari. The only thing one can do is to live through the changes and alterations of life.
Naglalakad ako sa pasilyo ng aming eskwelahan habang hawak-hawak ang sulat na pinaabot sa akin ng estrangherong babae kanina kay Seref.
Ang mga mata ng estudyanteng nadadaanan ay panay ang sulyap. Uwian na ngunit lahat halos ay andoon pa rin sa sari-sariling mga klasroom, ang mga iba ay maingay na nakakalat sa labas ng mga ito. Tomorrow's the last day of school. Everyone's organizing and arranging their classroom for the farewell party tomorrow.
Kanina ay dumaan ako sa locker upang kunin ang mga gamit. Sa pagbukas ko nito ay nagdagsa pababa ang mga sulat at tsokolate na ipinuslit ng mga iba roon. Mero'n pang mga rosas na galing sa iba't ibang baitang na lalaki. Hindi ko pinansin ang mga 'yon at iniwan do'n pagkatapos kong makuha ang lahat ng gamit.
Noong sinara ito ay doon ako linapitan ng babae at pinaabot sa akin ang sulat para kay Seref.
She isn't the first one for this day. Ang daming lumapit sa akin kanina na mga babae upang ipadala kay Seref ang mga sulat o 'di kaya'y mga tsokolate. Pwede naman sila nalamang ang mag-abot mismo ng mga iyon, wala pa sana silang naabala.
Nakakairita.
Kung sanang may kabuluhan ang kanilang ginagawa ay mainam ko pa silang tutulungan. Ngunit alam ko namang hindi katulad ng kanilang pinupunto ang tunay na nararamdaman. They claim what? That they're in love? Those silly girls think that infatuation and attraction can be labeled as love.
Pathetic.
Ni hindi nga nila makayanang ayusin ang pagsagot ng Matematika, tapos ay sasabihin nang mga ito na kaya nilang intindihan ang pag-ibig? I don't think so, sweeties.
Dumiretso ako sa field, binabalewala ang mga paninitig ng mga nadadaanan. Ang sa mga lalaki ay may himig ng atraksyon, at ang sa mga babae nama'y madalas matalas ang tingin.
A number of people are sitting on the bleachers, their eyes focused on the game in front of them. Ako ay tumigil malapit sa puno at nanatiling nakatayo habang minamasid ang mga lalaking naglalaro ng soccer. Mukhang malapit na itong matapos.
I scanned my eyes at the players, finding the one that I've come for.
Hindi naging madali sapagkat may pagkalabo ang aking mga mata. The two things that I consider as liabilities in my body are my eyesight and height. Nahihirapan ako madalas dahil sa malabong mata at naiirita dahil sa kakulangan ng tangkad.
Nakita ko ang itim na buhok nito sa harap ng bola. His skin glistened under the sun as some crystalized sweat fell at the side of his face. Nakaposisyon siya para sa isang penalty kick, ang asul na mata'y nakadirekta sa bola.
Sumulyap ako sa score board. Patapos na ang laro at tanging ang pagsipa niya ang magsasabi kung sino ang mananalo.
At the whistle of the referee, Seref charged smoothly like a lion pounding forward to his prey. With force mixed with incredible precision, he kicked the ball. Pumasok ang bola sa goal at agad na yumanig sa sigawan ang mga tao.
BINABASA MO ANG
Hiraya (HEST #1)
RomanceHide End Seek Trilogy #1 Hiraya Amor is the most sought socialite attorney of the country. With her sweet words, her cunning tricks and her wits, she can get even the most wanted criminal clear of any charges. Bakit niya ginagawa ito? Dalawa laman...