Kabanata 18

54 3 0
                                    

College Arc XVIII: Drink

There was a single time where I accidentally got drunk.

I was on my way to an event then. Si Ate Linda ay pinainom sa akin ang dapat na Apple Cider, ngunit imbes na 'yon ang ibigay ay vinegar wine ang kaniyang napainom sa akin. I remember feeling strange then when I was at the party. 

Ngunit dahil andoon ang aking ina at kaharap ko ang ibang tao ay itinago ko ang sakit ng ulo at nagkunwaring walang mali. I acted exquisitely well that no one suspected a thing. Panay ang aking ngiti, ako'y nakikihalubilo , at kahit ang aking paglakad ay walang mapipintas. It was all acting though. Sapagkat sa aking kaloob-loob ay umaalon na ang aking paningin. 

Noong umuwi ay doon palamang tuluyang tumama ang epekto ng alak sa aking systema. I remember that I was in my room then with my hand maid and another servant. I started singing the alphabets and insist on us having a mini pageant in my room afterwards. Wala silang magawang dalawa kung hindi ang sumunod sa akin para na rin hindi ako mag-isip nang iba at lumabas ng kuwarto. They were too scared that my mom might caught me drunk in the hallway, that's why they indulged with my wants. 

I remembered everything the next morning. And up to this day, that chaotic memory is still embarked on my mind's memory shelves. 

Ang aming pagpasok sa unibersidad ang bumubuo sa maraming araw namin sa iilang buwan.

Seref live at the next building from mine. The sneaky stalker. Kaya pala sinabi nito noon na nakapag-desisyon siya noong pinag-desisyonan ko ang aking tutuluyan. Plano niya pala talagang kumuha ng condo sa tabing building ng sa akin.

Kung ganu'n lang din pala, bakit hindi nalang siya kumuha nang unit sa building ko? Parehas lang din naman sapagkat palagi rin naman siyang namamalagi rito na parang dito rin siya nakatira.

But he keeps on insisting that he didn't want any bad rumors that would place my name on a bad light. Kapag nalaman ng aming mga kakilala na magkatabi lamang kaming unit ay baka ano pa ang masabi nang mga ito.

He's more concerned about my reputation than I am. Sinasawalang bahala ko lang naman ang mga sabi-sabi patungkol sa akin.

Pumasok ako sa itim na kotseng Tesla na naghihintay sa akin sa labas ng condo building.

"Hindi pa rin dumarating ang heater na inorder natin para sa banyo ko," pauna kong daing ng reklamo sa oras na maka-upo sa loob. "What's taking them so long? I need it now. O baka naman maisipan nilang ipadala sa akin iyon kapag patay na ang balat ko sa bagyo? It's the raining season, hell, are they planning to shipped it to me during summer? Well then, thank you. How thoughtful of them."

"Yes, good morning to you too, Hira." Magaang bati ni Seref.

"Ang lakas ng aircon, Seref. Ang lamig na nga sa labas, pati rito ay mukhang hindi tayo ligtas sa ginaw na sinasabi ng balita."

Sumusunod sa aking kritisismo, inabot niya ang aircon at hininaan ito. "Is that okay with you now?"

Hindi na masyadong malamig kaya nama'y tumango ako. Naiiling itong ngumisi sa aking mga litaniya. He leaned forward so that he could swiftly removed the Black hoodie he's wearing. Noong naalis na niya ito ay inabot niya sa akin.

"Wear this so you won't be cold."

Ang kaniyang porselenong balat ay nasilayan na sa pagkaalis ng takip na iyon. I took his hoodie and wore it. Masyado itong malaki kaya naman ang aking kamay ay nawawala sa loob ng sleeves. It's cotton and warm. And his manly perfume lingered around the fabric. I pulled the seatbelt so that it could strapped me.

Hiraya (HEST #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon