Antagonist's Tale XXXIII: Odd group
Cael Aster
Chinky eyes, light brown hair, a total mestizo. Katulad ni Hathen ay matangkad at matipuno ang katawan nito. Mas angat nga lamang ang sa mga katangian ng kaibigan. Not that it matters. Everyone still prefers Cael despite Hathen, in retrospect, being superior in every aspect. Lahat naman ayaw si Hathen.
Cael's playful and noisy. Babaero rin, kahit na sinasabing matagal na raw siyang tumigil at ngayon nakasentro nalamang sa diyos. He also has this small heart dot mole below the corners of his eyes that almost look like a tattoo. Tila disenyo na sinadyang lagay sa kaniyang puting balat kahit na natural lang namang sinilang siyang meroong gano'n.
The background check shows that he's an adopted son of the Aster, one of the top law firms. Siya rin ang magmamana nito sapagkat walang kapatid. Unlike his poor and hardworking friend, Cael isn't that passionate about law school despite being the successor of the Aster's firm. 'Di katulad ni Hathen na kulang nalamang ay talagang magtapon na nang mga kriminal sa kulungan.
Kaming dalawa ni Cael ay nakaupo sa simbahan sa kalagitnaan ng misa.
Sa nakakrus na mga braso ay ako'y nakaupo sa pews sa aking isip. Ngunit sa personal ay konserbatibo at mapakumbaba akong nakaupo habang siya ay nakaluhod ngayon sa kneeler sa harapan at sa nakapikit na mata ay nagdarasal. Kakatapos lang naman matanggap ang hostiya. Nagkunwari lamang akong nagdasal kanina kahit na nag-iisip lamang ng mga plano para sa aking negosyo bago bumalik sa pagkakaupo.
I hope Hathen's here. Para naman meroon akong kasama na hindi interesado sa mga nangyayari kahit na nagkukunwari akong oo.
But he's an atheist so he never comes with Cael and me.
Hindi naman kami linggo-linggong nagmimisa. Cael's a very different devotee.
Kapag sa mga prayer ay hindi naman siya sumasabay kahit na paniguradong memoryado naman niya ang mga iyon. Halos isang beses sa isang buwan lamang din siyang nag-mimisa. He always wear this black rosary around his neck. Ngunit kapag nakikita ko naman siyang nag-rorosarya ay kinakaligtaan niya ang mga ibang beads. Tila hindi naman din sinasabi ang mga nakatakdang dasalin.
"Hindi ka ulit sumabay sa mga dasalin," komento ko noong natapos ang misa at naglalakad na kami papalabas.
Dalawang unipormadong tauhan na meroong maliit na metal pin ng bituwin sa kanilang damit ang sumusunod ilang pulgada sa aming likuran.
Ngumisi sa akin si Cael. "I will not whisper a prayer that was branded into our tongues, made to memorized by our minds." Linibot niya ang paningin sa malaking simbahan na tila may nakitang nakakatawa. "Nor will I indulge a ritual practiced in routine. Men created these things and labeled them holy. It's basically a repetition of what dear Moses witnessed after he went down Mt. Senai with those two blocks of stones."
"Bakit pa tayo nag-sisimba bawat buwan kung ayaw mo naman pala ng ensayong ritwal kung gano'n?"
Ang kaniyang maliit na mata ay kuminang. "Because I like mass songs."
Tinapunan ko siya ng tingin.
So we came here because he enjoys the sing along? Sigurado bang 'di 'to atheist katulad namin ni Hathen? It's as if he's just here to entertain himself.
"Are you sure you believe in God?" aking pambibiro sa kaniya sa magaang tawa.
Ngumisi ito sa akin at kinabit ang braso sa aking balikat. Ang kamay ay engrandeng gumagalaw na tila hinahanda na sapagkat may kwento na namang ibubulong sa akin.

BINABASA MO ANG
Hiraya (HEST #1)
RomansHide End Seek Trilogy #1 Hiraya Amor is the most sought socialite attorney of the country. With her sweet words, her cunning tricks and her wits, she can get even the most wanted criminal clear of any charges. Bakit niya ginagawa ito? Dalawa laman...